Nakaluhod sina Nurse Armida at Nurse Olga, magkahawak-kamay, umiiyak, mga nakapikit. Anumang saglit ay tatama na sa mga leeg nila ang matatalim na sandata ng masasamang ispiritu, alam nila.
Nakita nila kung paano pinagtataga ng mga ito ang doctor’s chair sa Admission; kung paano winakwak ng karit ang upholstered seat sa lobby; kung paano pinag-iitak ang wooden bench.
Kung gayo’y mas madaling tagpasin ang kanilang mga ulo.
May narinig silang kakaibang tunog habang nakapikit. SWASS.
Intact pa rin ang leeg nila, kahit limang saglit ang nakalipas.
Hinihintay ba ng mga kampon ng dilim na dumilat muna sila, saka bigla silang pupugutan ng ulo? “Ligtas na kayo. Wala na sila.â€
Tinig iyon ni Doctor Medina, nabuhayan sila ng loob. Mahimalang tagpo ang nabuglawan nila. Si Dr. Medina ay nasa harapan, multo pa rin pero hawak ang solidong krusipiho na benditado.
Crucifix iyon ng hospital chapel, nakilala ng dalawang nars.
Humagulhol na ang mga ito, sa tuwa, kinapa ang leeg.
“N-nasaan na ang bad spirits. Doc?â€
“Naglahong bigla, natakot sa banal nating krus,†sagot nito.
“Salamat po! Thank you po! Muntik na muntik na kaming mapatay!â€
Ibinaba ni Dr. Medina sa mesa ang krusipiho, halatang hirap na hirap ang mabait na multo sa pagbuhat.
“D-Dr. Medina, are you okay?†tanong ni Nurse Olga, nag-aalala.
“I’ll be okay soon. Nahirapan ako nang husto, sa pagbuhat sa crucifix. Bilang spirit, hindi normal na kami’y nakapagbubuhat ng tangible things. Nag-ukol ako ng napakaraming lakas para lang mabuhat ang krus.â€
Tumatakbong dumating mula sa second floor ang matandang surgeon ng Hope, si Doktor Robles. Putlang-putla ito.
Nakita nito ang mabait na multo at ang dalawang nars. “Ano’ng nangyari? Nagtago ako sa itaas…†Dinitalye nila sa doktor ang nangyari.
“Kundi sa pagdating ni Dr. Medina, dala ang krus, napugutan na ho siguro kami ng ulo!†umiiyak na sabi ni Nurse Olga. (4 NA LABAS)