^

Para Malibang

Pagkalkula ng taba, paano ginagawa? (1)

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Pinaka-popular na maituturing sa pagsukat ng healthy body weight ay ang paggamit ng BMI o body mass index. May pinagbabasihang range para sa bawat age group at kapag ang BMI ay nasa partikular na range, indikasyon ito ng nasa healthy range ang iyong timbang. Pero may exemotions.

Sa paliwanag ng mga expert, ang BMI ay magagamit lamang para sa masses. Kaya kung ikaw ay athlete o bodybuilder, hindi puwedeng pagbasihan ang MBI. Halimbawa nito ay nagsisimula ka nang mag-gain ng muscle dahil sa iyong strength training. Alam nating mabigat ang muscles at ang pag-angat ng iyong scale ay nangangahulugan na nakakapagdagdag ka ng muscle weight. Alinsabay nito ay tumaas din ang iyong BMI reading. Pero kahit pa magkaganon, hindi masasabi na bumababa ang kalagayan ng iyong kalusugan dahil hindi ito magiging accurate.

Dahil dito, gumamit ng iba pang paraan ang mga eksperiyensadong athlete para makalkula ang kanilang body fat percentages at malaman ang kanilang progreso sa training. Ito ay sa pamamagitan nang pagkuha sa total amount ng body fat, saka ito i-divide sa total body weight mo, ang makukuha mo rito ay ang body fat ratio. Ito ngayon ang ita-times mo sa 100 para makuha ang body fat percentage. Karaniwan na ang body fat ay nasa 21% sa mga babae at 15% sa mga lalaki. Kung kasama ka sa mga itinuturing na may fit na pangangatawan, mas mababa ang percentage ng iyong body fat kung san 15% sa babae habang nasa 10 hanggang 12% lang sa mga lalaki. Nasa 5% o 6% naman pababa ang body fat ng mga tinatawag na elite sports individuals. (Itutuloy)

ALAM

ALINSABAY

BODY

DAHIL

FAT

HALIMBAWA

ITUTULOY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with