‘Haunted hospital’ (15)
“BUHAY po ang pasyente, naoperahan na, Nurse Armida, ligtas na sa kamatayan,†mahinahong sabi ni Nurse Olga, pagod na pagod, kalalabas lang sa operating room ng haunted hospital.
“Wala si Doktor Robles…s-sinong doktor ang nag-opera?†kinakabahang tanong ng may-edad nang nurse.
“Si Doktor Peter Medina po.â€
Napaurong si Nurse Armida. “Imposible. Alam nating patay na siya, Nurse Olga. Please, huwag mong isangkot ang magaling na doktor, nagpapahinga na ‘yon sa kabilang-buhay.â€
Mahinahon pa ring dinala ni Nurse Olga sa operating room si Nurse Armida. Nakita ng huli na buhay ang pasyente pero tulog.
Natiyak nitong maayos na ang vital signs ng pasyenteng agaw-buhay na nang dalhin sa ospital. “Buhay nga, pero hindi si Doktor Medina ang nag-opera sa kanya, Nurse Olga. Please…â€
Napailing si Nurse Olga, napabuntunghininga. “I swear to God, dumaÂting si Dr. Medina at magkatulong kaming umopera sa pasyente. Si Doc Medina ang agad nakatiyak sa sakit ng pasyente; natukoy kung ano ang dapat operahan…â€
“Oh my God, Nurse Olga, ipapahamak mo ang ospital na ‘to! Hindi kailanman katanggap-tanggap ang istorya mo --na isang patay nang duktor ang matagumpay na umopera sa pasyente!â€
Napaluha na ang dalagang nars. “Kasalanang magligtas nang nasa bingit na ng kamatayan, gano’n po ba, Nurse Armida?â€
“May mali sa proseso, Nurse Olga, that is the point! Duda ko’y ikaw ang mag-isang nag-opera! Ewan kung paano mo nagawang hindi mapatay ang pasyenteng iyon!†Hanggang sa labas ng OR ay galit na galit si Nurse Armida. “Dapat malaman agad ito ni Doktor Robles!â€
Luhaang tumango si Nurse Armida. “Handa ko pong harapin ang parusa ng batas, pananagutan ko ang aming ginawa ni Doktor Medina.â€
“Huwag mo sabing idamay ang pangalan ng mabuting duktor!†singhal na ni Nurse Armida. “Haunted ang ospital na ito, pero hindi makikialam si Dr. Medina sa pag-oopera! Dapat kang mademanda, Nurse Olga! Lumampas ka sa tungkulin mo!†ITUTULOY
- Latest