‘Haunted Hospital’ (12)
BUKOD sa isang attendant, wala nang ibang maaasahan si Nurse Olga sa emergency room. Kapag hindi naoperahan agad ng malubhang pasyente, tiyak ang kamatayan nito.
“Oh my God, wala si Doktor Robles, ano’ng dapat kong gawin?†Ewan kung ang sarili o ang attendant ang tinatanong ni Olga.
Siya namang pagdating ng may-edad nang nurse ng Hope Hospital.
“Nurse Armida, nagpapahinga sa bahay si Doktor Robles, paano ‘tong pasyente? Masama na talaga ang lagay,†bulong ni Olga.
“Wala tayong magagawa kundi ipalipat siya sa ibang ospital, Nurse Olga! Hangga’t may panahon.â€
May pasyente sa ICU si Nurse Armida, tinawag ito ng bantay. “Nurse, ang lola ko po, dali!†Napilitang iwan ni Nurse Armida si Olga. “Bahala ka na muna rito, Nurse Olga! Diyusko naman, bakit ba wala tayong mga duktor at narses?â€
Walang kasama ang pasyenteng malubha, iniwan na ng sinumang nagdala rito. Patakaran sa Hope na hangga’t maaari ay walang tatanggihang pasyente, laluna kung emergency.
“Sorry po, manong, hindi ko alam na wala si Duktor Robles, huwag ka po munang mamamatay, please!â€
“Hindi aabot sa ibang ospital ang pasyente, ooperahan natin siya, Nurse Olga,†sabi ng matatag na tinig ng lalaki, sa likuran ng dalaga.
Napaigtad si Olga nang makilala ito. “D-Doctor Peter Medina?â€
“Oo, ihanda ang pasyente. Walang sandaling dapat sayangin.â€
“P-Pero patay na po kayo, doc…†Kinikilabutan pero nakokontrol ni Nurse Olga ang labis na takot. Alam niyang siya lang ang nakakakita sa ispiritu o multo ng duktor.
Hindi ito tulad nang una niyang makita na solido ang porma, hindi mala-usok na multo.
“Paano po kayo mag-oopera?â€
“Hindi ako, Nurse Olga-- ikaw.â€
“P-po?†Nayanig sa ideya si Nurse Olga.
“Magtiwala ka, kaya natin.â€
MABILIS ang mga pangyayari. Puspusan nang nakasalang sa operasyon ang malubhang pasyente. Si Nurse Olga ang nag-oopera, sa guidance ng mabait na multo ni Doktor Medina. (ITUTULOY)
- Latest