“OH, MY GOSH…k-kahawig lang ba siya ni Doktor Medina? B-baka naman mali ako nang tingin?†sa loob-loob ni Nurse Olga habang nakatingin sa guwapong doktor na naglalakad sa pasilyo.
Duty ang dalagang nars nang hatinggabing iyon. Magkakasalubong sila ng bata pang manggagamot.
Kumakabog ang dibdib ni Nurse Olga. Ibang kilabot ang dating ng lalaking pamilyar ang mukha.
Nagkatinginan sila, eye-to-eye, nang halos magkatapat na sila sa pasilyo. “Hi p-po, d-dok.â€
Ngumiti ito kay Olga, tumango ng pagbati.
“Oh my gosh,†kinikilabutang naibulalas na naman ni Nurse Olga sa sarili. “I-Imposibleng siya…w-walang dahilan para siya magbalik dito.â€
Nang lumingon siya ay hustong paliko na sa blind corner ng pasilyo ang doktor. Kinakabahang pumihit si Nurse Olga, susundan niya ito.
Nanlaki ang kanyang mga mata pagdating sa blind corner. Kasi’y hindi na niya nakita ang doktor; imposible namang nakapasok na ito sa isa sa mga rooms sa corridor. E di sana ay narinig niya ang bukas at sara ng pinto. Maiingay ang pinto sa Hope.
Tiniyak niya, binuksan ang mga pinto ng iba’t ibang room sa payward; maging sa utility room at sa rest room na panlalaki ay tumingin.
Lalong tumindi ang kilabot ni Nurse Olga, pakiramdam niya’y wirdong multo ang na-encounter niya. “ANO ‘KA mo, Nurse Olga—nakita mo si Doc Peter Medina? Hindi mukhang multo pero nawala sa pasilyo?†Mangha si Nurse Armida.
Tumango si Nurse Olga. “B-baka po nami-miss ang ospital na pinaglingkuran niya nang buong pagmamahal…â€
Napapailing si Nurse Armida, alaÂnganing matawa. “Dapat e tanggap na ni Doctor Peter na patay na siya, na hindi na siya kailangan dito sa Hope. MADALING–araw, may dumating na pasyenteng malubha. Si Nurse Olga ang tumanggap. Isinugod agad ito sa Emergency Room.
Nagkalituhan. Huli na nang malaman ni Nurse Olga na umuwi na si Doktor Robles, kailangang magpaÂhinga ng matandang surgeon.
Nais magpanic ni Nurse Olga. “Mamamatay ang pasyente kapag di naoperahan agad!â€
( ITUTULOY)