“May Impakta sa tiyan ko” (31)

“DAPAT kong isakripisyo ang buhay ko, gano’n ho ba, Professor Torres?” paniniyak ni Brando.

Malungkot na tumango ang eksperto sa tagaibang planeta. “Magpapakamartir ka para sa kaligtasan ng mundo. Ituring mong karangalan ito, Brando. Hindi ka na makakaligtaan sa history bilang modern-day hero.”

Dinitalye ng propesor ang mangyayari. “Kapag nasa tiyan mo na ang impakta at ang spaceship niya, ikaw, Brando ay sasakluban ng sako saka ihuhulog sa…”

Hindi maituloy ng propesor ang sasabihin. Maging ito ay diringdiri sa ideya. Alam na iyon ay hindi makatao.

“Saan ako ihuhulog, Professor Torres?”

Ibinulong nito. Napanganga sa pagkabigla si Brando.

 â€œP-pero bakit ho doon?” Masuka-suka sa ideya si Brando.

“Napag-aralan ko na ang kahinaan ng tulad ni Morgama. Sa kabila ng napakalakas niyang fire power na kayang mambomba ng gusali at eroplano, ang kahinaan niya ay nasa amoy…grabeng amoy…”

Naisip ni Brando, ang buhay niya ay sinisira ng alak; wala siyang pamilyang maiiwan. Bakit nga ba hindi pa siya magsasakripisyo?

Payag na ang binata. Papapasukin niya sa tiyan ang impakta.

Pero magpapakalasing muna siya nang husto. Sa huling araw sa daigdig ay lilisan siyang masaya.

ILILIHIM muna ng propesor ang gagawing pag-trap sa impakta; alam na maraming sector ang tututol. Kapag nagtagumpay, saka ipakikita ang video ng pangyayari; bahala nang ang tao ang humatol sa kanilang ginawa.

ORAS na ng katotohanan para kay Brando. Nagmensahe si Morgama sa utak ni Brando, na ito’y papasok na sa bunganga ng binata anumang oras.  Si Brando ay lasing na lasing, nakaupo sa tabi ng pinakamabahong lugar, handa na sa pagdating ng impakta.

Dumating ang spaceship, paese-ese ang lipad, hilo sa init.

Nag-utos si Morgama. “Ibuka mo ang bunganga, Brando, buka.”Lasing na lasing si Brando, ngumanga pero napasubsob-- sabay sa mabilis na pagsibad ng taga-ibang planeta sa bunganga ng lasenggo.

Spplaassh. Sumablay si Morgama, tuluy-tuloy sa nakabukas na pinakamabahong lugar—sa septic tank. Unti-unting lumubog. Glug-glug.

Hindi na nakalutang ang impakta at ang spaceship. Ligtas si Brando at ang kanyang tiyan. WAKAS (Up Next: Haunted Hospital)

               

                 

 

 

 

               

 

 

             

Show comments