NAGPA-CUTE at nag-‘Hello po’ sa media people ang impakta, nakalitaw ang matatalas na ngipin at pangil.
Naunahan ng takot ang lahat laluna ang kababaihan, nakita ang nakatagong bangis ng taga-ibang planeta.
“Eeeee!†Nagtilian at nagpulasan nang takbo ang mga ito dahil lumundag na ang impakta.
Nahagip agad ang leeg ng guwardiyang kasama ni Brando sa selda, sumagitsit ang dugo habang kumikisay.
BANG. BANG. BANG. Binaril ng iba pang guwardiya si Morgama a.k.a. Impaktang alien.
Pero hindi tinablan ito, lalong bumangis.
“Giyaaahhh!†sigaw ng impakta, lumabas na ng selda, hinabol ang mga taga-media.
“Eeeeee! Aaaahh!â€
Nilampasan lang sila ng alien, tuluyan itong umalis sa lugar, super-bilis na naman. ZOOOMM.
Si Professor Torres gaya ni Brando at ng mga nakasaksi ay yanig pa, nanlalambot sa takot. Kita nila ang patay nang guwardiya sa selda.
“Professor Torres, paano na po?â€
“Ewan ko, Brando…dapat mahuli ang impakta. Natitiyak kong kayang bihagin ng tao ang taga-ibang planetang ‘yon.†Headline sa mga pahayagan ang nangyari, kumpletong may larawan ng impakta habang lumalabas sa bunganga ni Brando.
Meron ding video clip na ipinalabas sa late-breaking news, na-capture pati ang pagsasalita ng impakta: HELLO PO.
Pero bago naalarma sa takot, pinayapa ng mga awtoridad ang publiko; tiniyak na sooner or later ay mahuhuli ang taga-ibang planeta.
Binabalaan din ang publiko na maging maingat at handa sakaling sasalakay o magpapakita ang mabangis na dayuhan.
SI BRANDO ay lalong binantayan ng kinauukulang ahensiya. Alam na babalik ang impakta para pumasok muli sa buÂnganga ng binata; na ang alien ay ‘magpapahingang muli’ sa tiyan ni Brando.
“Brando, paano kung sa ibang tao na manirahan si Morgama?â€
“Professor Torres, nasa tiyan ko ang spaceship. Hindi puwedeng humiwalay sa spaceship ang impakta.†SUBAYBAYAN