BANGKOK, Thailand -- Isang bronze medal ang naÂkamit ng Team Philippines sa pagsabak sa 2013 Asian Archery Grand Prix.
Ito ay matapos matalo sina Ian Chipeco at Joanne Tabañag sa mga Vietnamese, 139-150, sa mixed compound event.
Bago ang kabiguan sa Vietnam, nanalo muna sina Chipeco at Tabañag laban sa Hong Kong, 148-146, patungo sa quarterfinal round.
Kaagad namang nabigo sa first round ang mixed recurve team nina Olympian Mark Javier at Rachel Dela Cruz laban sa France, 136-145.
Pinaghahandaan ng mga Filipino archers ang darating na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar na nakatakda sa Disyembre.