Martin muling pinapirma ng New York Knicks

NEW YORK -- Pinapirma ng New York Knicks si veteran forward Kenyon Martin hanggang sa pagtatapos ng season.

Ito ang inihayag ng Knicks matapos magwakas ang ikalawang 10-day contract ni Martin.

Hindi siya masyadong pinaglaro sa unang 10-day contract niya noong Pebrero 23, ngunit nakatulong naman sa Knicks na nabugbog ng mga injuries.

Nakasama ang dating No. 1 overall pick sa starting line-up nang labanan ng Knicks ang Portland Trail Blazers noong Huwebes.

Umiskor si Martin ng season-high 12 points mula sa kanyang 6-of-10 fieldgoal shooting.

Nagtatala siya ng mga averages na 5.7 points at 3.2 rebounds sa anim na laro ng New York.

Show comments