Hindi kilala ang nakaburol

Panaginip: Dumalaw ako sa bahay ng aking ina. Nadatnan kong may nakaburol sa kanyang bahay pero hindi ko kakilala. Ang mga taong nakikipaglamay ay hindi ko rin kakilala. Binati ako ng mga tao na parang kakilala ako pero hindi ko naman sila kakilala. Hindi ko makita ang aking ina.---Asiong sa umaga; Ashley sa gabi

Interpretation: May dadaluhan kang kasalan o may importante kang gagampanan sa kasalan na iyong dadaluhan. Ang isa pang ipinahahayag ng iyong panaginip ay makikipagkasundo ka sa iyong kaaway.

 

Show comments