Jewelry business

Tanong: Ano ang Fengshui tips para sa aking jewelry business?---S.O. Jewelry Shop

Sagot: Narito ang 5 Fengshui tips para sa iyong negosyo:

1—Ang kahalintulad ng negosyong alahas ay mining companies, engineering firms, car assemblers and sale office, machinery and equipment enterprises,  tindahan ng auto spare parts.

2—Metal ang element na nakapaloob sa mga nabanggit na negosyo.

3—Ideyal ang paggamit ng metal windchime para suwertehin ang negosyo.

4—Ang ia-activate o pasisiglahing bahagi ng opisina, tindahan o pati bahay ay west at northwest corner. Dito ilalagay ang lahat ng pampasuwerteng yari sa metal—Chinese coins at metal windchime.

5—Huwag gagamit ng kulay pulang dekoras­yon. Ang pula ay para sa fire element. Ang fire at metal ay magkakontra.

Show comments