Dear Vanezza,
I’m Maika, 19 years old. Ang problema ko ay tungkol sa panlalamig sa akin ng pinakamatalik kong kaibigan. She is more than a friend to me. In fact, mas malapit ako sa kanya kaysa sa aking mga kapatid. Three years na kaming magkaibigan kaya I never expected na hahantong sa ganito ang aming friendship. May isa kaming schoolmate na crush niya. Lagi niyang sinasabi sa akin na type niya ito. But there came a point when instead of courting her, he courted me. Hindi ko naman kasalanan kung ligawan niya ako. The thing is, she took it against me. Nagalit siya sa akin at lumayo. Kinausap ko siya at pinrangka niya ako. Sabi niya, sayang lang daw ang friendship namin dahil traydor daw ako. Ayokong masira ang friendship namin pero I feel I’m beginning to fall in love with him. Ano pong gagawin ko?
Dear Maika,
In this world, you cannot please everyone, nor you can win everything. Sa kaso mo, dapat mong timbangin kung ano ang mas mahalaga: your friendship or your love with the guy? Masakit mawalan ng kaibigan pero you cannot have the best of both worlds. Kung talagang mahal mo ‘yung guy, tanggapin mo siya at the expense of your friendship pero kailangan mo ring tanggapin ang sakit na kaakibat nito. Wala kang kasalanan dahil ikaw ang unang niligawan. But then, try to win her back. Nauunawaan ko ang damdamin mo dahil bata ka pa. Usually, ang mga kabataan ay may mataas na pagpapahalaga sa pagkakaibigan. But as you mature, mare-realize mo na there are bitter realities in this world that you must take as they come.