‘Inverted nipple’

Karaniwan sa mga babae ay nakalabas ang nipples ngunit may mga babaeng may inverted nipple o nakalubog ang nipple. Kung inyong mapapansin, tumitigas at bahagyang humahaba ang nipples ng babae kapag nagkakaroon ng arousal. May mga babae namang flat ang nipples ngunit lumalabas ang nipples kapag naa-arouse. Minsan lumalabas din ang nipples kapag sumuso ang sanggol. Ang iba, isa lang ang inverted nipple pero ang iba ay parehong inverted ang nipples.

Narito ang mga bagay-bagay tungkol sa inverted nipples ayon kay Dr, Margaret Stearn ng embarassingproblems.com.

* Kung ang iyong nipples ay inverted na simula nang ipanganak ka, hindi dapat mag-alala. Ganun lang talaga ‘yun. Inverted lang talaga ang nipples mo at hindi ka nag-iisa.

* Kung biglang naging inverted ang nipples mo, maaaring senyales ito ng canser sa ilalim kaya dapat patingnan mo agad ito sa doctor.

* Kung nagpapasuso ng sanggol, mahihirapan ang bata na sumuso ngunit kailangan ng mahabang pasensiya at pagtitiis sa sakit dahil kung masusupsop ng baby ng maigi ang iyong dede ay lalabas din ang nipple. Makakatulong ang paglalagay ng yelo sa nipple bago magpadede at pagmamasahe ng areola ng nipple. Kung hindi makakatulong ang stimulation para lumabas ang nipple, maaaring mahirapan sa pagpapadede ng baby. May mga babaeng kahit hindi naman nagpapadede, nais nilang lumabas ang inverted nipples. Karaniwan ang mga teenagers ay may flat nipples at nananatiling ganito hanggang sa edad 20s. Makakatulong ang pag-i-stroke o paghihipo ng areola ng kamay ng ilang minuto araw-araw para lumabas ang nipple.

Maaari ring magpao­pera para lumabas ang nipples ngunit hindi ito karaniwang ginagawa dito sa Pinas dahil napakamahal nito at kapag ginawa ang operasyong ito ay hindi na maaaring mag-breastfeed.

 

Show comments