Kapuso Stars, rarampa rin sa ABS-CBN Ball!

Sinu-sino kaya among the stars and talents ng ABS-CBN ang nakatakdang mag-shine sa nalalapit na The ABS-CBN Ball 2025 red carpet na magaganap sa isang five-star hotel in Metro Manila sa darating na April 4, araw ng Biyernes?
Nakagawian na ng mga namumuno ng ABS-CBN Star Ball ang mamigay taun-taon ng mga special award at kasama rito ang Star of the Night (male and female), Couple of the Night at iba pa.
Sa tuwing papalapit na ang much-awaited ABS-CBN Ball ay pinaghahandaan ito nang husto in terms ng kanilang mga kasuotan hindi lamang ng stars and artists ng Kapamilya kundi maging ng kanilang executives, directors, writers, production people, guests at stakeholders ng industriya. Inaasahan din ang pagdalo ng mga top executive at ilang stars ng GMA na dati rati’y imposibleng mangyari.
Kung may positive side man ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay ito naman ang naging daan para magkaroon ng bukas na ugnayan ang dalawang giant TV networks – ang ABS-CBN at GMA na noo’y archrivals.
Ang The ABS-CBN Ball ay nagsisilbi ring showcase at show window ng mga fashion designer (known and unknown) dahil suot-suot ng stars and artists ang kanilang mga dinisenyong mga kasuotan.
- Latest