^

Pang Movies

Atong Ang, bumata ang hitsura kay Sunshine

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Atong Ang, bumata ang hitsura kay Sunshine
Atong at Sunshine

Hitsurang bumata ang negosyanteng si Atong Ang sa selfie nila ni Sunshine Cruz habang sakay ng helicopter.

Komento nga ng netizens, iba talaga ‘pag in love, bumabata ang hitsura.

Mas comfortable na diumano ngayon si Sunshine sa relasyon nila ng negosyante dahil open na sila at wala na halos nagnenega.

Pero ang isa diumanong ayaw gawin ni Sunshine ngayon ay gumawa ng te­leserye. Marami na diumanong offer na teleserye ang tinanggihan ng actress na karelasyon ni Atong Ang.

At kung si Sunshine ay tumatanggi diumano sa mga offer na teleserye, may possibility naman diumanong mag-comeback si Gretchen Barretto.

Sa initial talks diumano ay pumayag na ito pero hangga’t hindi raw ito dumadalo sa story conference, hindi masasabing tinanggap nito ang nasabing trabaho.

Sexy star, mina-match ng ina sa mga mayayaman sa kanilang probinsiya

Grabe pala ang pagiging masunuring anak ng isang sexy star.

Lahat daw ng sinasabi ng kanyang mother dear, sinusunod nito.

Lalo na raw ang gusto nitong makipag-date siya (sexy star) sa mga madadatung sa Central Visayas region.

Yup, taga-roon daw kasi ang pamilya nito. Kaya target ng ina na mapabilang sa mga nasa mataas na antas ng lipunan ang kanilang pamilya.

Pero ang major twist, may boyfriend si sexy star na ginagamit daw nito (sexy star) para kunwari ay siyang naghihigpit sa kanya.

Kaya maraming naawa sa nasabing boyfriend nito na nagagamit nga raw para makawala si sexy star sa inang pursigidong magkaroon ng son-in-law na kabilang sa mayamang angkan.

Ang galit daw ay ang mga kakilala ng boyfriend ni sexy star. Naaawa sila sa upcoming actor din.

In all fairness sa sexy star, mukhang may breeding at yayamanin kaya siguro gusto talaga ng ina na sa malaking tao ito makipagrelasyon at hindi sa struggling actor din.

ATONG ANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with