^

Pang Movies

Ysabel, pasado sa mommy ni Miguel

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Ysabel, pasado sa mommy ni Miguel
Ysabel Ortega

Hindi pala dapat mag-alala si Miguel Tanfelix sa relasyon nila ni Ysabel Ortega dahil approved na approved sa kanila ang kanyang inang si Mrs. Grace Tanfelix.

Ayon kay Mommy Grace: “Okay siguro sila. Okay na ‘to. Okay na si Ysabel for me. Walang halong ano, mabait si Ysabel. Genuine ‘yung kabaitan nu’ng bata.”

Ramdam naman daw ni Mommy Grace na wala pang plano na magpakasal ang dalawa. Gusto raw ni Miguel na around 30 years old ito mag-settle down.

“Huwag muna, ‘di ba? Pero nakikita ko naman sa kanila, parang wala pa naman. Pero kung gusto na nila, wala naman akong magagawa,” sey ni Mommy Grace na nag-guest kamakailan sa teleserye na Mga Batang Riles.

Nag-trend si Mommy Grace sa social media dahil sa kanyang cooking videos, kung saan tuwing natatapos magluto ay sinasabi niya ang katagang “Okay na ‘to.”

Kaya raw marami siyang niluluto na ulam ay dahil marami raw siyang pinapakain sa bahay nila. Kasalukuyan kasing nire-renovate ang kusina nila at gusto niyang masarap ang kinakain ng mga trabahador.

Martin, natupad ang wish sa Tokyo

Natupad ang wish ng segment host ng 24 Oras na si Martin Javier na makasali sa Tokyo Marathon 2025.

Ito ang first ever marathon ni Martin kaya naghanda raw talaga siya, physically, emotionally and mentally. Marami raw kasing naganap sa buhay niya bago siya tumakbo sa marathon.

“Went through a lot just to get here. 3 months ago, I was depressed, injured, and a month removed from running. I had to catch up with the training program with roughly 9 weeks out and absolutely 0 conditioning. That’s a short time to prepare.. especially if you wanna fully send it. Still went along with it.. going from 0 mileage to 70km weeks. Didn’t have a clue where I was, conditioning-wise going into Tokyo, but I knew I needed to deliver. Almost didn’t make it as well coz of the whole visa application change up. Grateful for a strong finish, despite the heavy self-talk at km 35 and cramps at 38km. Had to dig deep to survive that stretch,” post ni Martin sa Instagram habang kagat nito ang kanyang natanggap na marathon medal.

Nakasabay rin ng Sparkle host sa naturang marathon ay sina Tim Yap, Isabelle Daza, at ang former One Direction member na si Harry Styles.

Queen of country music, nagluluksa

Nagluluksa ang American Country Music Queen Dolly Parton dahil sa pagpanaw ng kanyang husband na si Carl Dean noong nakaraang March 3.

“Carl and I spent many wonderful years together. Words can’t do justice to the love we shared for over 60 years. Thank you for your prayers and sympathy,” mensahe ni Dolly sa kanyang followers sa social media.

Nakilala ni Dolly si Carl when she was 18 at bagong lipat lang siya noon sa Nashville, Tennessee. Two years later ay kinasal sila in 1966.

YSABEL ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with