‘Enjoy life...’

Alam n’yo ba na natatawa ako sa nga nagaganap sa buhay ko sa kasalukuyan.
Iyon bang ang sakit ng buong katawan ko tapos madudulas ka pa, at dagdag sakit na naman dahil tumama ang likod mo sa sahig ng banyo.
Talagang hindi ko na puwedeng seryosohin ang buhay ko, parang naka-assign na sa last phase na ilagay lahat ng sakit at physical pains sa akin ngayon. At wala akong magagawa kundi tiisin.
Naku ha talagang umandar yata ang mga sumpa ng Ugly Fat Ladies na danasin ko lahat ng discomfort para maging iritable ako at magsungit.
Pero sorry no, pleasant akong tao at magaan lang ang pagtanggap ko sa buhay. Basta sa akin anuman ang nangyayari ngayon may mga dahilan kaya tatanggapin ko.
Kaya nga tumatawa na lang ako kahit ang sakit ng katawan ko at sa iba pang kapalpakan na nangyayari sa akin lately.
Gusto ko na tuloy isipin na ngayon ako nagbabayad sa pagiging naughty ko.
Kaya hindi na kailangang mag-consult ng lawyer ang mga pabida-bida diyan, relax lang and enjoy, huwag masyadong pabida dahil hindi bagay sa showbiz. Dapat lang chill at enjoy.
One thing na masasabi ko, all these years kaya siguro matatag ako I did not take life seriously. Enjoy life, walang effect ‘yung ‘I will consult my lawyer,’ ekk ekk lang iyan, hindi bongga.
Hahahaha.
Basta tuloy ang ligaya at lunch sa Sushi group na si Pat-P Daza ang punong-abala.
- Latest