Bea, dapat na agad pakasal

Kung ako talaga kay Bea Alonzo, pakakasalan ko agad-agad ang jowa niyang si Vincent Co.
Jackpot na siya at tiyak na hindi na ulit siya makakakita ng ganung karelasyon.
Kaya kung ako sa kanya, siya na ang mag-aya ng kasal.
Hahaha.
Iba na ang panahon ngayon, pwede nang mag-alok ng kasal ang babae.
Kaya kung ako sa yo Bea, ayain mo na kaagad si Vincent.
Sayang ang panahon, baka maagawan ka pa.
Isyu ng pulitika, nakakaloka na
Nakakaloka rin ang ating pulitika ha.
Andaming ganap. Pero dahil kagagaling ko lang sa hospital, wa na ako magko-comment.
Hayaan ko silang magrambulan. Basta ako loyal kay Pres. Bongbong Marcos.
Alam kong nagsisikap siya na umasenso ang ating bayan at mapabuti ang kalagayan nating lahat.
Lagi akong para sa kabutihan ng ating bayan.
Kaya mag-isip-isap naman sana ang mga netizen, ‘wag basta magpaniwala sa mga nagaganap sa ating bayan.
At mas type ko ngayon manood ng TV.
Sa totoo lang parang nagsawa na ako sa Korean drama. Parang alam mo ‘yun nawala na ang excitement ko sa mga Korean drama dahil napagod na siguro ako kakabasa ng subtitle.
Hahahaha. ‘Di ba nakakapagod na habang nanonood ka, nagbabasa ka pa.
Kaya madalas talaga hindi ko kaagad naiintindihan ang pinapanood ko dahil nga nagbabasa pa ako ng English subtitle.
At siguro sa rami nang napanood ko, napagod na ako.
Ngayon mas gusto kong manood ng TV, lalo na ang mga news program para updated ako sa mga nagaganap sa ating sintang bayan.
Na minsan ay nakaka-stress din dahil nga ang daming mga pangyayari na para bang hindi na uusad ang ating bayan dahil kanya-kanyang epal ang mga pulitiko na ating ibinoto.
Nakakaloka na kung saan-saan na napupunta ang aking sinusulat. Hahaha.
- Latest