Sang’gre, malinaw na ang kapalaran sa ere

Hindi mapigilang maging emotional nina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith da Silva at Angel Guardian dahil sa magandang feedback sa 30-second teaser ng pinagbibidahan nilang telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Pinakita ang ilan sa mga aabangang eksena sa serye tulad ng fight scenes ng characters nila na sina Terra, Adamus, Flamarra at Deia.

Makikita rin sa teaser sina Glaiza De Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Rhian Ramos bilang Mitena.

Kabilang ang Encantadia Chronicles: Sang’gre sa upcoming shows na mapapanood sa GMA Prime ngayong 2025.

Naging kontrobersyal ang Sang’gre dahil sa pag-resign ng direktor ng serye na si Mark Reyes. Pinalitan siya ni Direk Rico Gutierrez. 

Social media star na si Sassa, may sumpa muna sa jowa

Nag-share ang social media star at actress na si Sassa Gurl ng kanyang mga plano ngayong 2025.

Hindi nga raw kasama ang magkaroon ng boyfriend ngayong taon.

Ayon sa Mima ng Bayan: “I’ll focus on myself this 2025. Super fresh, maganda lang ako. Kasi parang nagsisimula ka na. Learning about myself, mga ganunng mga atake. Ngayon, self-discovery pa rin ako, parang hindi ko pa rin alam kung ano ‘yung mga bet ko talagang gawin, ang dami ko pang dini-discover mga ganiyan-ganiyan. As I go through the process ang dami ko nalalaman sa sarili ko. Dapat kong ayusin, dapat kong i-develop ganiyan. So, I think this 2025 feeling ko saka na muna ‘yung jowa.”

Napanood si Sassa Gurl sa pelikulang Balota na pinalabas sa Cinemalaya Independent Film Festival last year.

Wonder Woman, nagkaroon ng pamumuo ng dugo bago nanganak

Kinuwento ni Wonder Woman star Gal Gadot na nagkaroon siya ng “massive” blood clot o pamumuo ng dugo sa utak habang ipinagbubuntis noon ang kanyang ika-apat na anak.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Gadot ang nangyari noong nasa ikawalong buwan ng pagbubuntis noong February 2024.

“In one moment, my family and I were faced with how fragile life can be. It was a stark reminder of how quickly everything can change, and in the midst of a difficult year, all I wanted was to hold on and live,” caption ni Gabot.

Pinangalanan niyang Ori ang kanyang baby na ang ibig sabihin ay “my light.” 

“Before the surgery, I told Jaron that when our daughter arrived, she would be the light waiting for me at the end of this tunnel. Today, I am fully healed and filled with gratitude for the life I’ve been given back,” sabi pa ni Gadot.

Si Baby Ori ang ika-apat na anak nina Gadot at Israel film producer na si Jaron Varsano. Mayroon pa silang tatlong anak na sina Alma, Maya at Daniella.

Show comments