Sen. Jinggoy, inaming hindi nanonood ng errotic films

Sen. Jinggoy Estrada

“Wala-wala akong app, hindi pa ako nakakapanood,” sagot kaagad ni Senator Jinggoy Estrada sa tanong namin kung anu-ano nang pelikula sa VMX dating Vivamax ang napanood niya.

Ba’t niya nalamang may mga erotic scene sa mga palabas sa nasabing platform?

“Somebody showed me a video clip, ahh mga erotic scene. Ok lang naman ‘yun, pero ang tanong ko, sino ang mga nakakapag-access. So tinanong ko kung nakaka-access ang mga minor, sabi yes. That is the concern. That is my major concern: bakit pati minors, nakaka-access. That prompted me to deliver a privilege speech  sa Senate,” paliwanag niya.

Pero nagkausap na raw sila ni VMX Boss Vincent del Rosario at nagkaayos na. Ganundin sina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto at Boss Vincent.

“Ang alam ko meron na silang kasunduan, to self-regulate ‘yung kanilang mga film noon pa,” impormasyon pa ni Sen. Jinggoy sa ilang kaharap na entertainment media.

Pero meron na raw pending bill sa senado upang lumawak ang power ng MTRCB at masakop ang mga streaming platform.

“We have pending bills sponsored by Senator Robin Padilla to expand the powers of MTRCB.”

Mga kelan ito Sen. Jinggoy?

“Soon, it may be next year. Ano na, baka… status of the bill, under the period of Interpolation.”

Pero sa proposed bill kasali lahat ng streaming platforms?

“Kung lahat, ang sabi ng MTRCB, hindi nila ito kakayanin.

“How can they monitor and regulate all streaming platforms, eh, and dami-dami niyan… wala silang manpower.”

But anyway, siya ba naaapektuhan pa ng bashers since na-bash siya nang mag-speech tungkol dito?

“Immune na ako sa mga basher.”

“They can bash me every day, every minute, every second; I don’t care, hindi ko sila papatulan.

“Alam mo kung bakit? Basta wala ka namang ginagawang masama, basta ginagawa ko ‘yung trabaho ko, ok na ako, basta hindi nang-aagrabyado ng tao,” katwiran pa ng senador / aktor.

Lalaban lang daw siya sa bashers and trolls kapag marami nang inaapi.

Maalalang humarap si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada noong Disyembre 16, 2024, upang kondenahin ang streaming platform sa pagbaha raw sa digital space ng mga pelikula at palabas na hindi angkop sa mga kabataan.

Aniya, kinikilala niya ang artistic freedom ngunit binigyang-diin niya na dapat itong magkaroon maging mahigpit sa mga minor de edad.

Anyway, sinabi naman niyang “I will cross when I get there” nang tanungin ko kung may possibility ba na mag-comeback rin siya sa pelikula next year, 2025.

Bea/Dominic, Carlos/Chloe at Mathon, ‘pinasaya’ ang 2024; sunshine at atong, nagpakita sa simbahan

Kung tutuusin, wala naman talagang major controversies na yumanig sa showbiz sa lilipas na taon.

Well, naghiwalay sina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.

Sa kasa­lukuyan ay tahimik na intriga sa hiwalayan ng dating mag-asawa at sinasabing diumano’y magkasama sa Japan ngayon sina Richard at Barbie Imperial.

Medyo pinag-usapan bago natapos ang taon ang magka-loveteam na sina Anthony Jennings and Maris Racal kung saan inilabas sa social media ng ex ni Anthony na si Jamela Villanueva ang resibo ng kanilang diumano’y panloloko.

Ang rebelasyon ni Kris Aquino na meron siyang karelasyong doctor nang bumalik siya ng Pilipinas; ang reklamong sexual abuse ni Sandro Muhlach sa dalawang writer ng GMA 7; ang pagkakaaresto kay Neri Naig na nakulong ng ilang araw dahil sa kasong syndicated estafa pero nakalaya dahil na na-technical daw sa pag-aresto sa misis ni bokalista ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.

Nadamay din doon si Rufa Mae Quinto pero hindi siya nakulong.

Kasama rin sa umingay ang isyu kina Bea Alonzo at Dominic Roque nung maghiwalay sila na inamin ng actress na si Dominic ang nakipag-split sa kabila ng kanilang engagement.

Nauso naman this year ang cyber libel pero ang natitira na lang daw ay cyber libel niba Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta kay Nay Cristy.

Pero ang pinaka-winner kumbaga, ay ang   family drama na kinasasangkutan ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo, ang kanyang ina na si Angelica Yulo, at girlfriend na si Chloe San Jose.

Nagsimula ang isyu nang mapansin ng ilang netizens na walang pakialam si Angelica sa mga laban ni Carlo noong 2024 Paris Olympics.

Lumaki ito matapos ihayag ni Angelica na hindi siya sang-ayon sa relasyon ni Carlos kay Chloe.

May mga chika na diumano’y ginamit ni Angelica ang kinita ni Carlo para makabili ng bahay, pero itinanggi niya ang mga isyu na may kinalaman sa kanyang anak at GF nito.

Pinanindigan ni Carlos si Chloe sa gitna ng mga online outburst ng kanyang ina.

Sa huli ay sinabi ni Carlos na gusto niyang magkaanak kay Chloe.

Ang laki naman ng naipon niya dahil sa pagkapanalo ng dalawang medalya sa Paris Olympics.

Pero big winner din si Sunshine Cruz na inamin ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon nga sila sa isang pahayag niya Bilyonaryo News Channel.

Matagal na nanahimik si Sunshine tungkol doon pero nang kumalat na ang mga sighting sa kanila sa sabungan, umamin na sila.

A day ago ay kumalat ang photo nilang magkasama sa simbahan na kinakiligan ng mga bisita sa pinuntahan nilang kasalan.

Show comments