Sen. Bong, lamig na lamig sa Korea

Sen. Bong Revilla

Ahh tumaas pala sa huling lumabas na resulta ng survey si Sen. Bong Revilla.

From 22 %, ay lumago raw ito sa 33 %, ayon sa nabasa kong survey na isinagawa ng Social Weather Surveys (SWS) ngayong Dis­yembre.

Ang bilis ng panahon, sa isang araw, tiyak na magiging abala na ang maraming artistang kakandidato sa 2025 midterm elections kabilang na ang aktor / senador.

Pero bago siya maging abala sa kampanya, nagawa niyang tapusin ang ipinalalabas nang bagong season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na nag-umpisang mapanood noong December 22 sa GMA Network.

Mula nga sa pagiging iconic film hanggang sa action-comedy TV series, kasama pa rin niya rito si Beauty Gonzalez and Max Collins.

Starring din sa feel-good show sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, and Raphael Landicho.

Pero parang mas grabe ang action scenes nito sa bagong season.

Talagang parang pelikula, at gustong tapatan ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Susundan ng palabas ang kuwento ni Police Major Bartolome Reynaldo (Sen. Bong), na hinahangaan sa kanyang kagwapuhan, walang takot, at kasikatan sa  mga kababaihan. But there is one thing that grounds Tolome and that’s his fear of his wife, Gloria (Beauty).

Si Direk Enzo Williams ang humahawak ng action scenes while Associate Director Frasco Mortiz ang in charge of the comedy scenes.

Samantala, kasalukuyang nasa South Korea ang buong pamilya ni Sen. Bong and Rep. Lani Mercado para sa kanilang tradisyong bakasyon.  Sobrang lamig doon kaya kita sa live videos ni Sen. Bong na lamig na lamig sila.

Kristel Fulgar, wala sa hitsurang 30 na

Ay 30 years old na pala si Kristel Fulgar.

Puna nga kanyang followers, ba’t ganun, mukha lang siyang high school student. Wala man ngang TV show o pelikula ang Kapa­milya star, active naman si Kristel sa social media lalo na nung magkaroon siya ng jowang Koreano.

“Feeling so loved and grateful!  A well spent birthday Thanks to all your kind greetings,” sabi niya sa isang post na kasama ang karelasyong Koreano para sa kanyang birthday post.

Noong Nobyembre ay inamin ni Kristel sa pamamagitan ng isang YouTube vlog na si Su-hyuk ay karelasyon na niya na nagpabinyag para maging miyembro ng simbahan ni Kristel, Iglesia ni Cristo (INC).

Show comments