Pinatunayan ni Andrea Brillantes na siya ang may pinakamagandang mukha sa buong mundo ngayong 2024.
Ito ay matapos manguna ang aktres sa The 100 Most Beautiful Faces 2024 na nilabas ng TC Candler last Saturday.
Mapapanood sa YouTube channel ng TC Candler ang lahat ng kasama sa 100 Most Beautiful Faces 2024 at sa pinakadulo ay makikita si Blythe na no. 1.
Ilang minuto nga lang pagkatapos ilabas ng TC Candler ang list ay nag no. 1 trending na ang aktres sa X (dating Twitter).
Needless to say, tuwang-tuwa ang fans ni Blythe sa bagong milestone na ito ng ng kanilang idolo bago matapos ang taon.
Taun-taon ay naglalabas ang TC Candler ng kanilang list ng 100 Most Beautiful Faces at 100 Most Handsome Faces.
“Over 50 countries are represented on the annual list. That number seems to go up every year as the public participation grows and expands. This diversity relies heavily on public suggestions from almost every corner of the globe,” ang pahayag ng TC Candler.
“Aesthetic perfection is only one of the criteria. Grace, elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy, promise, hope… they are all embodied in a gorgeous face,” saad pa nito.
Pumapangalawa kay Andrea ang South Korean member ng girl group na BlackPink na si Jisoo at no. 3 naman ang Canadian-American chess player na si Andrea Botez.
Bukod kay Andrea ay anim pang Pinay celebrities ang nakapasok din sa 2024 list ng TC Candler.
Kasama sa listahan si Janine Gutierrez (28th), Liza Soberano (31th) Belle Mariano (52nd) Ivana Alawi (69th), Gehlee Dangca ng K-Pop girl group na UNIS (82nd) at si Aiah Arceta ng BINI (88th).
Last year ay matatandaang ang South Korean singer at former member ng Momoland na si Nancy Jewel McDonnie ang no. 1 sa nasabing annual list habang nasa no. 16 naman si Andrea.
Pasok pa rin naman si Nancy sa top 10 at nasa pang-limang pwesto siya this year.
Ito ang pangalawang taon na nakasama sa list si Blythe at nakakatuwa na on her 2nd year ay siya na ang top 1.
Kim, naging senti sa kanyang ‘Baby’
Walang mapagsidlan ng saya si Kim Chiu dahil muli niyang nakasama ang piloto niyang kapatid na si John Paul Yap Chiu na nakabase sa Canada.
Umuwi ang younger brother ni Kim sa Pinas kasama ang partner para makasama ang pamilya. Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang kanilang mga larawan at sa caption nga ay hindi napigilan ng aktres ang maging sentimental.
“Bro was back from Canada! Distance may keep us apart, but my heart is always with you both. I can’t express enough how proud I am of the amazing individual you’ve become.
“John, watching you soar high and work so hard for your dreams fills me with so much joy and pride. You’ve grown into a responsible, thoughtful, and selfless person-not just for yourself but for the people you love, like Gill,” simula ni Kim.
Proud na proud ding ikinuwento ng aktres na hindi na raw ‘baby’ ang kanyang little brother na nakikipag-agawan na ngayon ng bill sa kanya sa restaurant.
“The little brother I used to know has transformed into a man who’s no longer the ‘baby’ of the family. You even fight me to pay the bill now and treat me to dinner-simple gestures that make me teary-eyed because they remind me of how much you’ve matured. Words can’t describe how proud and happy I am for you and your life right now,” sey ni Chinita Princess.
“I just wish we had more time together and created even more wonderful memories. I love you, my captain Alfa One Charlie! Keep soaring; the sky is yours to conquer,” patuloy niya.
Nagbigay rin siya ng mensahe sa partner ni John Paul na first time niyang na-meet.
“To Gill, it was so nice to meet you finally. You remind me so much of our mom in your kindness, grace, and the way you care for those around you. Please take care of each other-you and JP deserve all the happiness and love in the world,” mensahe niya.
Matatandaang si Kim ang tumulong sa younger brother para makapag-aral sa Canada at makapagtapos ng piloto.