^

Pang Movies

Richard naisama ang mga anak sa lock-in, kapiling din nung Pasko

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Richard naisama ang mga anak sa lock-in, kapiling din nung Pasko

Masayang ipinagdiwang ni Richard Gutierrez ang Kapaskuhan kasama ang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Nag-post ang aktor ng larawan niya with his two sons at simpleng caption niya, “Christmas with my boys.”

Ikinatuwa naman ng followers ni Richard na makita ang mag-aama.

Bago nga ito ay isinama rin niya ang dalawang bata sa Baguio.

Sa lock-in taping ng bagong serye niyang Incognito.

Nakakatuwa rin ang bonding nina Zion at Kai sa cast ng Incognito na nakaka-basketball pa si Daniel Padilla.

Of course, bukod sa dalawang anak ay kasama rin ni Chard na nag-Pasko ang kanyang magulang at mga kapatid

Aga, sinalo ang kasamaan!

Nangangamoy Best Actress si Star For All Seasons Vilma Santos sa kanyang entry this year for the 50th Metro Manila Film Festival, Uninvited ng Mentorque Productions and Project 8 Projects directed by Dan Villegas.

Napanood namin ang pelikula sa special screening held last Wednesday and we’d say, napakalaki ng posibilidad na maka-back-to-back ng Best Actress award si Ate Vi. Matatandaang last year ay siya ang nagwagi for the said award at the MMFF Awards Night para sa pelikulang When I Met You in Tokyo.

Muli ay ipinakita ng Star For All Seasons na wala pa rin siyang kupas pagda­ting sa kahusayan sa pag-arte. Ang galing-galing niya sa breakdown scene niya nang makita niya ang bangkay ng kanyang anak played by Gabby Padilla. So powerful... so heartbreaking.

Aga Muhlach too is definitely a must-watch sa kanyang performance as Guilly na talaga namang sinalo na yata ang lahat ng kasamaan. Definitely, out of the box ito para sa aktor at nai-pull-off niya in full colors.

Hindi rin nagpatalbog si Nadine Lustre who plays Nicole, daughter of Guilly na mayroon ding dark secrets. Best scene niya ang part na paulit-ulit niyang minura ng “put**a mo” ang kanyang amang si Guilly.

But definitely, Uninvited is a Vilma Santos movie at hindi na kami nagtataka kung bakit ito ang mas pinili niya over Espantaho.

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with