Idiniing biktima rin siya...Rufa Mae, lalantad na para sagutin ang mga kaso
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng abogado ni Rufa Mae Quinto sa A BS CBN noong Lunes ng gabi (December 2) na may arrest warrant nga ang kanyang kliyente kaugnay ng pagkakasangkot nito sa parehong kaso ng former actress / businesswoman na si Neri Miranda na kasong estafa sa kumpanyang Dermacare.
Pero nilinaw ni Atty. Mary Louise Reyes na ang arrest warrant ay hindi para sa large scale o syndicated estafa kundi para sa 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code.
Sinasabi ng abogado ng mga nag-demanda na diumano’y na umabot pala sa 39 ang iningganyo nina Rufa Mae at Neri na mamuhunan sa isang kumpanya na walang lisensya para sa paghingi ng mga investment.
Naglabas na rin ng statement si Rufa Mae na “I have no connection whatsoever to any fraudulent activity and I categorically deny these baseless accusations. If anything, I am also a victim and I am determined to seek justice,” umpisa ng kanyang statement na inilabas sa social media.
“Over the years, I have worked tirelessly to build my career and maintain my untarnished reputation, which is rooted in integrity and dedication. As a public figure, I have always demonstrated professionalism, transparency, and respect for the people and brands I work with. It is dejecting to see my name being dragged through the mud, but I remain steadfast and confident that the truth will soon prevail.”
Dagdag niya pa : “I will cooperate fully with the authorities and face this issue through the proper legal forum. Rest assured, I will fight for my name and reputation. To those who have extended their love and support, I am grateful. Let us allow justice to take its course, and I humbly ask for your patience and understanding as the truth unfolds.”
Daniel, kinasabikan
Grabe, muntik na palang magkaroon ng stampede sa isang mall nang pagkaguluhan si Daniel Padilla sa kanyang mall show na matagal-tagal din niyang ‘di nagawa.
Obvious na nasabik ang fans sa Incognito actor base sa rami nang dumagsa sa nasabing mall show para sa kanyang latest endorsement para sa Jag BLK.
At least napatunayan niya sa nasabing event ng JAG, ang iconic denim brand na kilala sa mga revolutionary fit, de-kalidad na tela, at value for money na inihayag ang paglulunsad ng bago nitong koleksyon ng premium line, Jag BLK Hardcore, na hindi totoo ang sinasabi ng ibang fans na lumaylay na ang career niya.
Isa pa rin talaga siya most sought-after actors of his generation, at naniniwala ang Jag na he perfectly embodies the modern and stylish appeal ng kanilang brand.
Naniniwala rin sila na ang koleksyon ng mga disenyo ng Hardcore Denim* ay sumasalamin sa pagkakagawa, tibay, at comfort na sakto sa personalidad ng Kapamilya actor na astig ang bagong role sa paparating na Kapamilya action series.
“I’m thrilled to represent JAG BLK,” chika ni Daniel.
“JAG is my go-to brand. A brand that values quality, comfort, and style—things I always look for in whatever I wear,” dagdag pa ng actor.
Fans ni Angel, nag-ingay!
Nag-ingay ang fans ni Angel Locsin matapos nilang hindi makita ang kanilang idolo sa Christmas ID 2024 ng ABS-CBN, na inilunsad noong Lunes, Disyembre 2.
Nag-expect ba silang babalik na ulit si Angel?x
Trending ang #AngelLocsin sa X dahil umasa sila at naniwalang mapapanood dun ang aktres na halos dalawang taon nang namamahinga sa showbiz.
Nagpahayag sila ng kanilang pagka-miss sa aktres.
Actually, hindi lang fans ni Angel ang nag-ingay. Hinahanap din ng netizens sina Lovi Poe, Erich Gonzales, Nadine Lustre, Maja Salvador, ganundin si Angelica Panganiban.
Anyway, sa pagpapatuloy ng tradisyon nito, inilunsad ng ABS-CBN ang 2024 Christmas ID nitong pinamagatang Our Stories Shine this Christmas na nagbibigay pugay sa mga makabagong bayani na nagsisilbing ilaw at inspirasyon sa kanilang mga komunidad.
Ipinamalas sa video ang mga kwento nina JV Ambrosio at iba pang mga breadwinner sa kanilang mga pamilya, ni single-mom Elaine at ni baby Zoey na kasalukuyang lumalaban sa cancer, at ni alopecia warrior April Doria, pati na rin ang mga naging biktima nang mga dumaang bagyo.
Tampok rin ang mga kwento nina Hernando “Mang Nanie” Guanlao at ang kanyang community library, Tatay Carlos Orit at ang kanyang mga rescue na alagang aso, pati na rin ang mga sakripisyo at kabayanihan ng Philippine Navy.
Ang 2024 ABS-CBN Christmas ID ay kinanta nina ASAP icons Angeline Quinto, Erik Santos, Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Yeng Constantino, Zsa Zsa Padilla, It’s Showtime family at hosts Anne Curtis, Kim Chiu, Darren Espanto, Ogie Alcasid, Vice Ganda, kasama rin sina Bamboo, BINI, Coco Martin, at Piolo Pascual.
Samantala, ang 2024 ABS-CBN Christmas shirts ay available na rin for pre-order sa halagang P360.
Yam, dinagsa ng congratulatory messages sa kanyang panganganak
Nanganak na pala si Yam Concepcion.
Walang detalye ang kanyang post pero binalikan ni Yam ang journey ng kanyang pagbubuntis at kung paano sila na-excite ng mister niyang si Miguel CuUnjieng.
Sa New York na nakatira ang mag-asawa. “The best 9 months,” lang ang caption niya.
Ang dami naman agad naging congratulate sa dating actress at mister nito kasama na sina KC Concepcion, Iza Calzado, at marami pang iba.
- Latest