Marian, naiyak sa ginawa ng anak na si Zia
Napaiyak si Marian Rivera habang pinapanood ang pagkanta sa stage for the first time ng panganay na anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes.
Ipinost ng aktres sa Facebook kahapon ang video ni Zia habang nagre-rehearse ng kanyang first musical recital para sa concert ng RMA Studio Academy na “Be Our Guest.”
Sa video ay makikitang kinakanta ni Zia ang “Rise Up” by Andra Day at kapansin-pansin na may talent ang bagets sa pagkanta.
Sa caption ay sinabi ni Marian na tumulo ang kanyang luha habang pinapanood ang kanyang anak na first time sumabak sa concert.
“Pumatak ang luha ko sa panonood sayo habang nag rerehearsal ka. Ito ang una mong pagkakataon na sumubok sa mga bagay na hindi ka pamilyar pero sinubukan mo, as in literal eto ang first time mo tumuntong sa entablado para kumantaError! Filename not specified.Error! Filename not specified.Error! Filename not specified.,” sey ni Marian na halatang proud na proud kay Zia.
“Palagi mong tatandaan nandito kaming pamilya mo susuporta sayo hanggang kung saan ka dalahin ng mga pangarap mo. Sabi ko nga sayo lahat ng biyayang ito ay nag mula sa kanya at iaalay natin sa taas . You make mama proud as always!” mensahe ni Marian sa anak.
Bukod dito ay nag-post din ang aktres ng video ni Zia na nagre-rehearse naman sa backstage. As of this writing ay umaabot na sa mahigit 10 million views ang reel.
Boy Abunda, naalarma sa mga kaso ni Rufa Mae
Nagpahayag ng pagkabahala si King of Talk Boy Abunda sa pagkakadawit ng kanyang talent na si Rufa Mae Quinto sa kaso ng beauty company na ine-endorso nito.
Tulad ni Neri Miranda na kasalukuyang nakakulong sa kasong 14 counts of violations of Section 8 of the Securities Regulation Code, sinampahan din ng parehong kaso si Rufa Mae at may warrant of arrent na rin.
“I am alarmed as a member of this industry and as a manager,” pahayag ni Kuya Boy sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda last Monday. “Para bagang gusto kong balikan lahat ang mga kontrata. Dahil ang endorser ba ay salesman? Kapag sinabi ko pong bumili ho kayo ng donuts na ito, ano ba ang aking responsibilidad?”
Saad pa niya, “sa aking pagkakaunawa bilang manager, ang nagwa-warrant po sa publiko na ang produkto ay maganda, ay matino ang serbisyo ay ang may-ari ng kompanya.
“Ang endorser ay maniniwala lamang doon sa sinasabi ng may-ari.”
Maraming tanong si Kuya Boy hinggil sa usapin ng endorsement at kailangan daw talagang pag-aralan ang mga pinapasok na kontrata.
“It’s a very complicated case pero palaisipan po ito. I think the industry as a whole we should be studying our contracts more at kaninong responsibilidad ba ito.
“Naghikayat halimbawa ako bumili ka ng bahay, naghikayat ako na bumili ka ng condo. Saan nag-uumpisa at nagtatapos ang responsibilidad?
“Do I own the company? Am I liable halimbawa, eh, hindi masyadong kagandahan? But I have so many questions. I know that the case is in court,” aniya.
Nagtataka rin ang award-winning TV host kung bakit nasangkot sina Neri at Rufa Mae sa kaso.
“Isa pang point of interest kung paano kaya nakonekta itong sila Neri, itong sila Rufa Mae doon sa kaso ng piskalya.
“It’s really interesting na dapat marami tayong matutunan bilang members of the industry, lalo ang mga artist at mga manager but that’s for another episode. Ito po ‘yung aking nararamdaman kaya hindi ko po napigilan na hindi magsalita,” he said.
Samantala, ayon sa abogado ni Rufa Mae na si Atty. Mary Louise Reyes sa kanyang panayam sa 24 Oras, kusang susuko ang komedyana at magpo-post sila ng bail.
Unlike Neri, wala naman daw estafa case si Rufa Mae kaya pwede siyang mag-bail.
“She will face those charges, mag-voluntary surrender siya and magpo-post po kami ng bail for that. She’s worried kasi hindi naman totoo ‘yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser,” pahayag ni Atty. Reyes.
“Ni hindi sa kanya nakapagbayad ng down payment, tapos ‘yung mga tseke po puro tumalbog. Lahat po ‘yan hawak naman po namin ‘yung ebidensya, ipe-present namin sa court,” dagdag niya.
- Latest