Nagkita na finally sina Gerald Santos at Sandro Muhlach, kapwa biktima ng sexual harassment , hindi lang nabanggit kung saan sila nagkita, pero mukha naman silang masaya.
Parehong naka-post sa kani-kanyang Instagram ang photos na magkasama sila at may caption ni Sandro ng “Nice to see you in person kuya @thegeraldsantos!” Sinundan ng “Our story doesn’t end with suffering. Hope, healing, and brighter tomorrow awaits.”
Ni-repost ni Gerald ang post ni Sandro at sabi naman nito, “Likewise @sandromuhlach! Finally we meet in person!”
Napaka-positive ng caption ni Sandro sa kanyang post, ganu’n din ang wish ng netizens para na rin sa kanilang dalawa ni Gerald.
A brighter tomorrow for the two of them.
Hoping na wala nang sumunod sa nangyari sa kanila.
Shaira, hindi nagpapatalo sa antok
May struggle pa rin si Shaira Diaz sa kanyang morning schedule lalo na at aminado itong hindi siya morning person. Kaya nang unang mag-guest sa Unang Hirit, ayaw na niyang bumalik dahil kailangan niyang gumising ng maaga.
Nakarma lang si Shaira dahil ginawa siyang mainstay ng programa, kaya kinailangan niyang mag-adjust and adapt sa oras ng show. Two years na siya sa Unang Hirit, ibig sabihin, nag-work ang ginawa niyang sleeping pattern.
“Dinidisiplina ko ang sarili ko at para makatulog ako ng maaga, hindi ako natutulog maghapon. Kung hindi na kaya ang antok, I take a nap. Sobrang mahal ko ang show, hindi ko kayang iwan, kaya kinailangan ko talagang mag-adust,” wika ni Shaira.
Natawa ang press sa sagot nito sa tanong kung ano ang maganda sa pagiging part ng UH, ang sagot kasi nito ay “Nakakapag-breakfast ako ng libre, courtesy of Ninong Arnold (Clavio).”
Masaya si Shaira dahil kasama siya sa pagse-celebrate ng UH ng kanilang 25th anniversary sa December 2 to 6 at ang grand celebration ay mangyayari sa Dec.6.
Tatawagin nila itong National Unang Hirit Day. Sa nasabing araw, magsasama-sama ang fans, communities, at partners sa buong bansa para ipagdiwang kung ano ang ipinaglalaban ng UH.
May mga ground activities, massive giveaways, public service kahit saan man kayo ng bansa naroon.
Maraming sorpresa para sa bawat Kapuso at pangako ng mga host at mga taong nasa likod ng programa, isang masayang selebrasyon ang mangyayari sa araw na ‘yun.
Wax ni Anne, ipinakita na
Si Anne Curtis ang latest Pinoy celebrity na may wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong.
Kamukhang-kamukha ni Anne ang kanyang wax figure, hindi mo tuloy malaman kung alin ang wax figure at alin ang hindi. Bale ba. parehong nakahawak ng microphone ang real Anne at ang wax figure.
Kahit hindi fans ni Anne, natuwa na may wax figure na rin siya at nire-represent niya ang Pilipinas. Mas marami ang positive comments kesa mga tanong kung bakit si Anne at kung ano ang international achievements niya para magkaroon nito.