ABS-CBN’s Star Cinema ang GMA Pictures are exerting their best efforts na maging malaking hit sa takilya ang balik-tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa seguel ng kanilang 2019 mega hit movie na Hello, Love, Goodbye, ang Hello, Love, Again na muling pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana.
Ang nasabing pelikula ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa darating na November 13, 2024 na susundan ng screenings sa ibang bansa including USA, Canada, Australia, Middle East, Hong Kong, Singapore, Malaysia, at iba pa.
Confident ang marami na kayang pantayan o ‘di kaya lagpasan ang naunang kinita ng HLG maging ang may hawak ngayon ng Filipino box office record of all time, ang Rewind ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera which was also produced ng Star Cinema ng ABS-CBN.
Nakikita naman kung paano magtrabaho sina KathDen para kumita ang pelikula nila.
Ji-Soo, may future pa sa ‘Pinas
Ano kaya ang naghihintay sa Korean drama actor na si Ji Soo (Kim Ji-soo) sa kanyang acting career sa Pilipinas matapos niyang magkaroon ng guest appearance sa dalawang TV series ng GMA, ang action drama series na Black Rider at ang medical drama series na Abot-Kamay na Pangarap na pareho nang natapos?
Nakagawa rin siya nang isang Filipino drama movie with Korean touch, ang Mujigae.
Pero anu-anong mga proyekto pa kaya ang kanyang gagawin?
Nakapag-guest na rin si Ji Soo sa Fast Talk with Boy Abunda maging sa ibang prograpa ng Kapuso network.
In fairness naman kay Ji Soo, marunong itong umarte at nagi-effort ding matuto ng Tagalog.
Pero kaya niya bang magbida sa teleserye?
Ang talent arm ng GMA 7 na Sparkle ang may hawak sa career ni Kim Ji-soo.