^

Pang Movies

Pia, ‘di nakauna sa sikat na fashion show sa Paris

Salve V. Asis - Pang-masa
Pia, �di nakauna sa sikat na fashion show sa Paris
Pia at Leyna

MANILA, Philippines — Ahhh may issue pala sa L’Oreal Paris show kung saan rumampa si former Miss Universe Pia Wurtzbach.

Kasi pala, hindi siya ang una at nag-iisang Filipina na naglakad para sa naturang prestihiyosong fashion show para sa isang Paris beauty brand.

As usual, netizens ang nakadiskubre. May resibo sila na diumano’y isang Leyna Bloom ang naunang rumam­pa para sa L’Oréal Paris runway. Andun din daw si Stephanie Valentine aka Glamzilla na kasabay ni Pia sa runway. “I finally walked the runway… AT PARIS FASHION WEEK!!!!! Thank you @lorealparis for making this dream a reality for me. Believe in your dreams and work hard to make them a reality.

“Because you’re worth it. #lorealparis #parisfashionweek #ledefileloreal,” buong post ni Glamzilla sa kanyang Instagram at meron pa silang kuha ni Pia after the show.

At bago pa man daw si Pia, sina Bloom, Valentine, at Lukresia ng Cebu ang nauna nang nag-represent ng mga Filipina para sa Paris beauty brands.

Kaya feeling nila, misleading ang naglalabasang story na si Pia ang natatanging Pinay na nakarampa sa Paris runway para sa nasabing beauty products.

Alam n’yo naman ang mga netizens, mga imbestigador ang peg.

May mga nagtaas din ng kilay at tila nakalimutan din ni Pia na si Heart Evangelista at iba pang Pinay fashio­nistas ay ‘di hamak na nauna sa kanya.

Sa true naman, maraming naunang nagbukas ng pinto para sa mga Pinay sa Paris.

Kaya ngayon, imbes na umani ng papuri ay marami ang nagko-correct sa kanya.

Ang isa pang napansin ng netizens, ba’t daw kaya pulos European countries ang pinupuntahan nila ng kanyang mister na isang travel influencer?

Anyway, may mga ugong pa na maere raw diumano itong si Pia. May mga major brands, as in major, na medyo asar daw dahil sa attitude nito. May mga balita pa na marami sa mga staff niya na matagal na niyang kasama ay tsinugi na dahil gusto raw solohin si Pia ng controversial glam team niya. Ito ay ‘yung glam team na dati na ring nagkaroon ng issue kay Heart Evangelista.

May mga ganitong ganap ba talaga kay Pia? Sayang naman ang mga pinaghirapan niya. Sana ay mayroong mga nagpapayo ng tama kay Pia.

At sana ay maliwanagan siya sa lalong madaling panahon.

But anyway, ang isang sigurado bongga ang mga Pinoy ngayon.

Imagine si Heart Evangelista, rumarampa for Dior and YSL. Andun din ngayon sa Paris Fashion Week sina Sarah Lahbati and Max Collins.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with