^

Pang Movies

EJ Obiena ibibida ang ina, Carlos wala pa ring kontak sa mga magulang

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
EJ Obiena ibibida ang ina, Carlos wala pa ring kontak sa mga magulang
EJ

Isa na namang inspiring story ang matutunghayan ngayong September sa limited talk series na My Mother, My Story.

Tampok sa programa ang number 3 pole vaulter sa 2024 World Athletics Rankings at Olympian athlete na si EJ Obiena.

Sa kanyang panayam kasama si Boy Abunda, mas makikilala ang sinasabing “Boyfriend ng Bayan” bilang isang anak ng kanyang ina na si Jeanette.

Ikukuwento niya ang kanyang inspiring journey na humubog sa kanya bilang isang mahusay at matatag na pole vaulter.

Kasama rito ang kanilang istorya kung paano naapektuhan ang kanilang relasyong mag-ina noong ipinaglaban ni EJ ang katotohanan sa umano’y tampering at embezzlement na inireklamo ng Philippine Athletics Track and Field Association noong 2021.

“With my mom, actually there’s a lot of things that I don’t exactly know already so new things to learn about family. (And) this kind of stage is something new so I would say I enjoy that part of the interview po,” sabi ni EJ tungkol sa kaniyang panayam.

Eh si Carlos Yulo kaya kailan mapapanood sa isang guesting na kasama ang ina?

Nakakalungkot na may problema ang relasyon niya sa ina, sana ay maayos talaga sa lalong madaling panahon ang kanilang relasyon.

Pokwang, naibangon ang negosyo

Isang mensahe ng pasasalamat sa mga kaibigan sa showbiz ang ipinost ni Pokwang sa kanyang Instagram account.

Nagpasalamat ang TV host-actress kina Ogie Diaz, Eugene Domingo, Vice Ganda, Karla Estrada at iba pa sa nalalapit na pagbabalik ng kaniyang food business.

Unang pinasalamatan ni Pokwang si Ogie, na tumulong umanong bumangon siyang muli mula sa mga hamon sa kanyang buhay.

“This post is dedicated to my kumareng @ogie_diaz salamat mare sa help at pag push na bumangon akong muli matapos ang unos sa buhay ko, salamat sa tiwala mo mare kaya ka maraming biyaya kasi napaka busilak ng puso mo thank you mare sa pag akay mo sakin at paniniwala i love you mare ko

“Sa mga kapwa ko artista na laging naka support mga kaibigan salamat sa inyong suporta sa aking kusina at sa @mamangpokwangs_gourmet. Sayo iyo Uge, @praybeytbenjamin @karlaestrada1121 at marami pa soon na nag aabang narin, salamat sa aming mga suki na tunay salamat sa inyo”

Samantala, sinabi ni Pokwang na magbabalik na ngayong Oktubre ang kanyang food business.

“Ito na po ang pagbabalik ni @mamangpokwangs_gourmet this October DOMO ARIGATO…. follow our FB accnt Mamang Pokwang’s Gourmet at sa IG din po para sa inyong mga order. salamat po….”

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with