Heart nauna na sa runway sa Paris, laging bitbit ang sulat ni Chiz

Heart Evangelista

Nakakatuwa si Heart Evangelista, dala-dala ang isang letter sa kanya ng asawang si Senate President Chiz Escudero kahit saan magpunta. Sa kanyang mini-vlog sa Instagram, binasa ang ilang part ng letter kung saan sinabi ni Chiz that he is always supporting his wife sa mga ginagawa nito.

May paalala pa si Chiz kay Heart na “Always believe in yourself as much as I believe in you” na for sure, sinusunod ni Heart. Nakalagay sa kanyang dresser sa apartment niya sa Paris ang letter ng asawa para raw lagi siyang nare-remind sa kung ano ang nakasulat sa letter.

Sabi ni Heart, maganda raw kung minsan, inaaway niya nang todo si Chiz, saka tumawa. Nasa Paris na nga si Heart and she’s ready na sa Paris Fashion Week at ibinalita nga na nag-fitting na siya for Dior.

And speaking of Heart, tama ang mga fans nito na una na siyang rumampa sa runway last year sa Paris Fashion Week. Vietnamese designer ang kumuha sa kanya na maging isa sa kanyang model at si Heart pa ang nag-open ng show ng Vietnamese designer.

Si Pia Wurtzbach naman, rarampa today (Tuesday, September 24) para sa L’Oreal, make –up line ito kung saan, isa si Pia ang brand ambassador for the Philippines.

Sana nga, ‘wag nang mag-away ang kani-kanyang fans at maging masaya na lang sa achievements nina Heart at Pia.

Sharon nag-umpisa na sa kanyang libro

Sisimulan na ni Sharon Cuneta ang pagsulat sa kanyang libro, pinost nito ang kanyang laptop na may nakasulat na, hindi lang mababasa  dahil blurred. Sabi nito, “And... the girl’s begun. Writing her book, that is.”

Hindi pa man, natuwa na ang mga fans ni Sharon na sinimulan na nito ang sinabi noong isang araw na ready na siya na magsulat ng libro na matagal na niyang pinaplano. Humingi ito ng dasal sa kanyang fans para matuloy na ang matagal na niyang plano to write a book.

May nagtanong kung autobiography raw ba ang libro na isusulat ni Sharon? Kung autobiography, hindi na raw kakailanganin ang gimik, isulat lang niya ang kanyang buhay at tiyak na magiging best seller.

Kung novel daw ang isusulat ni Sharon, puwede siyang gumawa ng series at magiging best seller pa rin dahil siya ang susulat.

But of course, magiging mas interesting ang autobiography ni Sharon kung isasama niya ang kanyang colorful love life. Isa ang magiging chapter na ito sa autobiography ni Mega na uunahing basahin dahil maraming gustong malaman ang kanyang fans.

Nakalulungkot lang na may mga hater si Sharon sa pagsusulat ng libro. Kung anu-ano ang mga sinasabi, sila ‘yung hindi alam ang itinakbo ng career ni Sharon.

Show comments