Derek at Ellen, may dragon baby raw talaga?!

Derek Ramsay and Ellen Adarna.
STAR/ File

Hindi pa umaamin sina Derek Ramsay and Ellen Adarna na magkaka-baby na sila.

Pero diumano’y confirmed talagang may dragon baby ang mag-asawa at malapit na raw talagang manganak si Ellen ayon sa isang source.

Pero ayon sa narinig kong usap-usapan, hindi pa alam ng mag-asawa ang gender ng magiging first baby nila.

Nauna nang sinabi ng semi-retired actor na hindi totoong buntis ang kanyang misis. “Wala pa, wala pa,” sey ni Derek sa panayam sa katotong Morly Alinio.

Sabi pa niya, ito na nga lang daw ang kulang sa buhay nila ngayon. “Basta ‘pag bliness na kami ng baby girl or baby boy, ready na ‘ko. ‘Yun lang ang kulang sa buhay ko. But with that said, kahit wala, masaya ako kasi may baby Elias na ako and I have a perfect wife,” saad ng aktor sa interview na hindi pa masyadong matagal.

Ahhh.

Kinalimutang movie ni Bea, umaani ng mga awards

Ahh patuloy palang umaani ng award sa ibang bansa ang pelikulang pinagbidahan ni Bea Alonzo,1521.

Sadly, hindi ito tinutulungang i-promote ng Kapuso actress.

Anyway, matapos nga ang matagumpay na showing nito sa US at maging sa local theaters, nangongolekta ng award ang nasabing pelikula na pinagbibidahan ni Bea kasama ang American actor na si Hector David Jr.

Kamakailan ay tinanggap ni Francis Lara Ho ng Inspire Studios ang Producer of the Year Award sa recently concluded Wu Wei Taipei International Film Festival, sa Philippines Awards and Gala Night at WESTAR Theater in Taipei, Taiwan.

Pinatunayan niya ang misyon niyang pataasin ang imahe ng ating bayan sa global market.  Ang parangal ay kasabay ng taunang international film festival at awards night na ginanap sa Ximending, Taipei Taiwan--pagdiriwang ng cross-cultural collaborations, organized by Filcom Taiwan Network Group, kasama ang EEC, Maryknoll, Taipei Film Commission.

Si Francis Lara Ho ay isang confessed crazy visionary na sumabak sa paggawa ng historical romance film at inaalala niya sa kanyang acceptance speech na noong 1994, tatlo sa kanyang mga kapatid ay overseas Filipino workers (OFWs), at pagkatapos ng 30 years ay na-realize niya ang animo’y pangako sa kanya ng Diyos na magbigay siya ng inspirasyon at impluwensyahan ang iba sa pamamagitan ng pelikula. “Sa lahat ng mga kababayan nating OFWs, when you came here you have dreams; never ever give up on your dreams,” diin niya pa tungkol sa 1521 na aniya ay ‘regalo’ niya sa mga manonood ng pelikulang Tagalog.

Umiikot ang kuwento nito sa isang babaeng miyembro ng tribo at isang foreign interpreter na na-inlove sa hindi inaasahang sitwasyon. At kinailangan nilang mamili kung susundin ang nararamdaman o susunod sa kani-kanilang responsibilidad sa bayan.

Nauna na itong nanalo ng apat na international awards.

Kasama rin sa 1521 sina Danny Trejo, Maricel Laxa, and Costas Mandylor at dinirek ni Michael Copon na gumanap ding Lapu-Lapu sa pelikula.

Nagi-stream na ito ngayon sa USA at Canada - Amazon Prime Video, Apple TV+ at marami pang iba na ipinamahagi ng Hollywood film production at distribution company, Gravitas Ventures. At magagamit na rin ngayon sa mga format na Blu ray at DVD.

Sayang lang dahil parang hindi naalala ni Bea na ginawa niya ang pelikulang ito. Sana may pwede siyang sabihin na may movie siya at nasa international streaming platforms. Matagal-tagal na ring hindi napapanood ang actress sa pelikula.

Show comments