^

Pang Movies

Sen. Jinggoy, pinainit ang ulo ng nanghalay kay Sandro

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Muling uminit ang ulo ni Sen. Jinggoy Estrada kahapon sa Senate Committee on Public Information and Mass Media hearing kung saan ay dinidinig ang mga kasong sexual harassment sa showbiz kabilang na ang reklamo ni Sandro Muhlach laban sa dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones and Richard Cruz.

Wala si Cruz sa hearing dahil naka-confine raw ito sa ospital dahil sa gastrointestinal bleeding.

Halos walang naisagot si Nones sa maraming katanungan ni Sen. Jinggoy at ang lagi niyang sagot ay “I invoke my right to self-incrimination, your honor.”

Tinanong ng Senador si Nones kung totoong uminom sila ng alak ni Cruz at kung pinai­nom din nila si Sandro pero tumanggi rin ang akusado na sagutin ito.

“That is not an incriminating question,” giit ni Jinggoy. “You still want to be detained there?”

Tinanong din ng Senador si Nones kung gising ba sila ni Cruz pagkaalis ni Sandro sa tinutuluyan nilang hotel. Muli ay hindi ito sinagot ng akusado.

“Again, your honor, I invoke my right to self-incrimination,” ulit na naman ni Nones.

“Ibig sabihin nu’ng umalis si Sandro, ‘di n’yo alam kung gising kayo o tulog kayo, ganu’n? That is very ridiculous. ‘Di mo alam na umalis si Sandro, gano’n?” natatawang naiinis na saad ni Sen. Jinggoy.

“Your honor, everything we say here may be connected to the facts of the ongoing case,” sagot uli ni Nones.

“I reiterate that you still be detained there,” sabi ng Senador.

Samantala, humarap din si Sandro sa hearing at nagbigay pa ng karag­dagang detalye sa mga naganap nang pumunta siya sa kwarto nina Nones at Cruz noong July 21 ng madaling-araw.

Bea, masaya na walang karelasyon!

Muling itinanggi ni Bea Alonzo ang tsikang mayroon na siyang bagong boyfriend although inamin naman niyang may mga nagpaparamdam ngayon sa kanya.

Aniya sa panayam kay Aubrey Caram­pel ng 24 Oras, okay naman daw ang puso niya ngayon at enjoy siya sa pagiging single.

“Okay naman ang lagay ng puso ko ngayon. I’m enjoying being single,” sey ng aktres.

“I mean there are people, siyempre naman may nagpaparamdam, sometimes you reply, sometimes you see people,” dagdag niya.

Sa ngayon daw ay napapanatili naman daw niya ang work-life balance kaya masaya naman daw siya.

“Most of the time ‘yung three days a week ko, minsan may trabaho, or my hobbies. Self-care, like I go to the derma, I go to the salon.

“So, I would say I strive for a work-life balance and that’s what makes me happy right now,” saad ni Bea.

Matatandaang ibinalita kamakailan ni Ogie Diaz na ayon sa source niya ay may bago na raw dyowa ngayon si Bea. Non-showbiz daw ang guy at tila isang foreigner.

JINGGOY ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with