^

Pang Movies

Jessy, matagal nang gustong maging ballerina!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jessy, matagal nang gustong maging ballerina!
Jessy Mendiola.
STAR/ File

Natupad na ni Jessy Mendiola ang long-time dream niyang maging ballet dancer.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang larawan niya in ballet outfit at tila nasa ballet lesson.

Aniya sa caption, bata pa lang daw siya ay gusto na niyang mag-ballet pero hindi nila afford. “I’ve decided to chase an old dream of mine. When I was younger, we couldn’t afford ballet classes. I remember watching other kids in their ballet outfits during a class at a dance studio in a mall in Makati. I kept telling myself ‘one day, magagawa rin kita,’” sabi ni Jessy.

Hindi pa naman daw huli para matupad ang kanyang pangarap na matagal na niyang gustong gawin, Ang next goal naman niya ay makasamang magsayaw ng ballet ang anak nila ni Luis Manzano na si Rosie.

“As a ballerina momma tayo ngayon, I can’t wait to dance with my little Rosie,” she said.

Umani naman ng suporta at positive comments ang post ni Jessy at isa na rito ay ang biyenan niyang si Edu Manzano.

“Go for it Jessy!,” ang word of support ni Edu.

‘I will never be the same again’ – Sandro

Matapos ilabas ng National Bureau of Investigations (NBI) ang CCTV footage ni Sandro Muhlach noong madaling araw ng July 21, nagsalita ang Sparkle actor tungkol sa kanyang nararamdaman.

“Habang buhay ko dadalhin ito. Dalawa kayo at isa lang ako. I will never be the same again,” aniya sa kanyang Facebook Story.

Ipinahayag din ng binata kung gaano kahirap mapunta sa ganitong traumatic situation.

“Some people can never comprehend how hard it is to be in this traumatic situation. Luring someone will never be a consent to abuse,” he wrote.

Ayon sa NBI, kapansin-pansin sa CCTV ang pagbabago sa kilos ni Sandro nang pabalik na ito sa kanyang hotel.

“Noong papunta siya doon sa hotel na naka-check in ang dalawang subjects, normal at relaxed ang movement ni Sandro,” pahayag NBI Investigator na si Atty. Zulikha Marie Conales.

“Pero after noong nangyari ‘yung insidente ng pangmomolestya, makikitang nagbago ‘yung kanyang kilos. Siya ay mabilis nang maglakad, balisa at parang distressed at very anxious. Bigla nalang siyang umupo sa tabi ng wall fronting the elevator kung saan inaantay niya ‘yung mga kaibigan niya sa sumundo sa kanya,” she added.

Sa panayam ng 24 Oras kay Sandro, ipinaliwanag naman niya ang kilos niyang nakita sa CCTV footage.

“’Yan po ‘yung time na pumunta ko sa kanila.

“After po lahat nung nangyari, hindi po ako mapakali, hilong-hilo po ako, sobrang sakit po ng katawan ko, kaya napaupo po ako sa floor,” aniya.

Dagdag pa niya, “hindi ko pa po alam kung anong dapat kong gawin, kung magsusumbong po ba ako sa pulis, or kung lalapit po ba ako sa pamilya ko. Naunahan na po kasi ako ng hiya at takot, kaya sinumbong ko po muna sa mga kaibigan ko.”

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with