^

Pang Movies

Christian, kalat-kalat ang mga kapatid

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Christian, kalat-kalat ang mga kapatid
Christian Bables

Eight years old pa lamang noon ang actor na si Christian Bables nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama. Meron umano siyang elder brother sa father side (na nasa Italy ngayon) na very close sa kanya hanggang ngayon at meron siyang dalawa younger brothers (sa mother side) na sobra umano niyang mahal na mahal. Hindi niya raw kinu-consider na half-siblings ang kanyang mga kapatid kundi buong-buo ang kanyang pagkilala sa mga ito bilang mga kadugo.

Ang alam niya ay may lima (as far as he knows) siyang half-siblings sa kanyang namayapang ama pero hindi umano
sila madalas magkita at magsama-sama.

Tinapos ni Christian ang kanyang pag-aaral ng Communication Arts sa De La Salle University – Dasmariñas (Cavite) and for a while ay nagtrabaho siya sa isang tanggapan. Pero wala umano rito ang kanyang puso kundi nasa acting kaya siya’y nag-resign at kusang sumailalim ng Master Class workshop sa Star Magic sa ilalim ng pamamahala ni Direk Rahyan Carlos. Hindi siya sinuportahan ng kanyang ina sa aspetong ito kaya mag-isa umano niyang iginapang ang kanyang workshop na siya niyang naging tulay sa kanyang pagpasok sa showbiz.

Ayon kay Christian, tinakbuhan umano siya ng isang p.a. (production assistant) ng kanyang first talent fee na P3,500 para sa isang extra role ng  teleserye pero muli umanong nagkrus ang kanilang landas ng nasabing p.a. at kanyang ipinaalaala ang kanyang unang masamang naging experience. Although pinatawad na umano niya ito, sinabihan lamang daw niya ang nasaging p.a. na huwag na nitong uulitin kahit kanino ang ginawa sa kanya. 

Marjorie, dalawa na ang apo

Couple Dani Barretto and husband Xavi Panlilio is expecting their second baby soon at ito’y isang baby boy.

Excited siyempre hindi lamang ang mag-asawa kundi maging ang kanilang five-year-old daughter na si Millie na magiging pangalawang apo bale ni Marjorie Barretto at second pamangkin ng mga younger siblings nito na sina Julia, Claudia, Leon and Erich.

Hanggang ngayon ay hindi na rin in good terms si Dani sa kanyang biological father, ang actor na si Kier Legaspi na naghihintay lamang sa pagri-reach out sa kanya ng kanyang panganay kasama ang mister nitong si Xavi.

Unknown to many, si Kier ay matagal ding umaasa na sana’y dumating ang panahon na maging okey sila ng kanyang anak na si Dani at pamilya nito.

Hindi rin in good terms (hanggang ngayon) si Kier sa kanyang ex-partner na si Marjorie Barretto.

“Sana maging okey na kaming lahat,” asam pa ni Kier.

vuukle comment

CHRISTIAN BABLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with