Ysabel, ‘di lusot sa scammer!
Ang Kapuso actress na si Ysabel Ortega ang latest celebrity na nabiktima ng scammer para mag-solicit ng mga donasyon.
Nagbabala ang aktres sa kanyang followers tungkol sa mga scammer na gumagamit ng kanyang pangalan para manloko pagkatapos ng super typhoon Carina.
Ipinost ng anak ni Sen. Lito Lapid ang babala niya kasama ng mga screenshot ng pagpapadala ng scammer ng mensahe gamit ang messaging app na WhatsApp.
“Hi everyone,
“It has come to my attention that someone is using my name to solicit funds from my friends under false pretenses. I would like to announce that these requests are not from me or any member of my family.
“If you receive any messages asking for money, please do not respond or engage.
“Thank you!” post ng aktres.
Panawagan nga niya ay kapag nakatanggap ng ganitong mensahe ay i-report ang number at ipaalam sa kanya.
Komento nga ng netizen ay mukhang kasamahan din nila ito sa industriya dahil hindi lang siya ang nabiktima nito kundi marami sila.
Sunud-sunod nga ang pambibiktima ng mga scammer at poser na nagpapanggap na celebrity gaya na lamang nina Jolina Magdangal, Aubrey Miles, Mariel Padilla, Max Collins at iba pa na ginamit ang katatapos na bagyong Carina kamakailan para makapanloko at humingi ng donasyon.
Kaya doble ingat na talaga sa panahon ngayon at huwag basta-basta maniniwala kapag nakatanggap ng mensahe.
- Latest