Show ni Willie, nag-give way sa mga na-Carina!
Makikita mo ang mga show na may talagang pagpapahalaga sa bayan. Noong ikalawang araw ng bagyong si Carina, hindi pa rin nag-programa si Willie Revillame sa TV5. Sa halip na magkatuwaan, nagsagawa sila ng isang telethon para manawagan sa mga gustong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo pero siyempre ang malaking bahagi ng ipinaabot nilang tulong ay mula sa Kapatid Network, at Kapatid Foundation. Maging ang show mismo ni Willie tumulong sa halip na mamigay ang premyo ibinigay nila iyon bilang ayuda sa mga nasalanta ng bagyo.
Makikita mo, hindi naghahabol si Willie ng rating, ang ginawa niya ay isang immediate response sa isang malaking problema.
Kagaya rin iyan nung ginawa ni Gerald Anderson na sumali sa isang rescue effort dahil siya naman ay isang reservist. Kagaya rin naman ni Vilma Santos na kung iisipin nga naman ay isang reservist din dahil siya ay binigyan ng rank na Lt.Col sa Philippine Air Force noong panahong gobernador pa siya ng Batangas. At hindi lang si Ate Vi sumali na rin sa pamimigay ng tulong ang anak niyang si Ryan Christian na nakakagulat ang ibinigay niyang ayuda ay galing sa kanyang personal savings.
Iyang mga ganyang tao ang kahanga-hanga hindi iyong kagaya ng iba na nang magkaroon ng kalamidad sa Pilipinas ay nagsitakas at namasyal sa abroad.
Karen, nagpaliwanag sa pagkalimot sa SB19
Maganda ang hangarin ni Karen Davila nang papurihan niya ang grupong BINI kasi sabi niya sikat ang K-pop sa buong mundo at ngayon sumisikat ang kanilang artists sa ABS-CBN na BINI. Maaari raw buksan ng grupo ang pinto para mas makilala rin ang iba nating local artists na P-pop naman. Natural ipo-promote niya ang BINI kasi artists ng kanilang kumpanya. Pero na-overlook niya iyong SB19 na unang sumikat kaysa sa BINI at masasabi nating nagbukas ng pinto para sa ibang P-pop groups sa ibang bansa.
Walang masama sa pagbubuhat ng sariling bangko, Pero alalaahanin sana nila na may iba pang mas nauna sa kanila.
Pero at least nagpaliwanag si Karen at itinama ang kanyang naging pahayag.
Aktres, ‘di apektado kahit ‘di nanalo
May nakausap kaming isang confidante ng aktres na inilaglag sa awards. Sabi niya, ang totoo ay hindi naman maramot ang aktres natigil lamang iyon sa pamamahagi ng Christmas gifts dahil dumating naman ang panahon na nagpahinga siya at wala namang regular income. Matagal na panahon nga naman iyong walang trabaho. Minsan pang gumawa ng isang indie hindi pa nag-click.
Pero ok lang naman daw sa aktres kahit na nalaman niyang inilaglag siya dahil sa kuripot daw siya. Ganun.
Nadine, naayos na
Ayos na si Nadine Samonte, kinausap na pala siya ng GMA at ng mga namumuno sa Sparkle na humingi rin ng dispensa sa nangyaring “pang-Eva Darren” sa kanya noong GMA Gala.
At least humingi sila ng dispensa at hindi nang-deadma na lang.
Napakaraming nag-react at sabihin mo man kung sino ang may kasalanan ang puputukan pa rin ay ang GMA dahil sila ang organizer, at ang Sparkle dahil hindi sila marunong mangalaga ng kanilang talents.
- Latest