^

Pang Movies

Blood test ni Kris, nakitaan ng discrepancy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Blood test ni Kris, nakitaan ng discrepancy
Bimby, Kris at Josh

Inulit pala ang blood test ni Kris Aquino dahil may discrepancy raw sa previous check-up.

Ito ang update na ibinigay ng confidante at best friend ni Kris na si Dindo Balares sa kanyang Facebook account.

“UPDATE PO para sa lahat na sumusubaybay sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa US.

“Last Thursday, July 18, nang matanggap ko ang kanyang message na “i have sad blood results.”

“Ipinost ko ito last Monday, July 22, upang maipaliwanag sa mga nagtaka at nagtanong kung bakit biglaang lumipad pabalik sa US si Bimby, kasama si Kuya Josh, gayung nabanggit ni Kris kay Ogie Diaz na maaaring magtagal si Bimb dito sa Pilipinas,” kwento ni Dindo.

Pero nagpadala raw ulit ng mensahe sa kanya si Kris at parang nabunutan siya ng tinik sa sinabi ng kaibigan na magpapa-blood test siya ulit sa University of California, Los Angeles Hospital (UCLA).

“Kinahapunan nang araw ding iyon, para akong nabunutan ng tinik nang ipadala niya ang mensaheng ito: ‘I’m going to UCLA on Wednesday for a repeat blood test. There’s a discrepancy in my results so we’ll repeat. Please pray,’” ang tsika ng dating entertainment editor.

Aniya pa, baka by this time ay nasa UCLA na si Kris.

“Ahead ang ‘Pinas ng 15 hours sa Los Angeles, kaya maaaring sa mga oras na ito (3:00 am sa atin at 12 midday doon) ay nasa UCLA na si Kris,” sey pa ni Dindo.

“Bagamat napakarami na naming pinagsamahan, sa show business, sa politics, at sa pamilya, pero mas lumalim ang aming friendship dahil sa faith.

“Lagi kaming naghihilingan ng prayers tuwing may mga sitwasyon na wala na sa kontrol ng tao,” saad pa ng best friend ni Kris na retired entertainment writer at editor ng isang tabloid.

Nadine gusto nang mag-move on

Tinutuldukan na ni Nadine Samonte ang hindi magandang karanasan niya sa nakaraang GMA Gala 2024 kung saan nga ay wala umano siya sa list of invited guests gayung imbitado naman siya.

Sa kanyang Instagram post ay sinabi ng aktres na gusto na niyang mag-move on sa pangyayari.

Sinimulan niya ang kanyang statement sa pamamagitan ng pagsasalamat sa mga nagmalasakit at sumuporta sa kanya. Siyempre, una sa listahan niya ang kanyang asawa.

“First i would like to say thank you sa lahat ng nagmamahal and nagcacare po sa akin lalo na asawa ko, my family and friends.Appreciated all your sweet messages but this needs to end,” saad niya.

“I would like to move on and look at the brighter side of life,” patuloy niya.

Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa GMA network at sa for reaching out to her.

“Thank you Sparkle Family for looking into this matter to prevent any future mishaps . Thank you to my Team and my handler for your relentless love and support.

“Lastly Thank you to GMA and Sparkle for reaching out to me, it truly meant so much,” aniya.

Sa huli ay nilinaw ni Nadine na hindi masama ang loob niya sa kanyang home network.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with