^

Pang Movies

Kim, ayaw magsayang ng oras

Salve V. Asis - Pang-masa
Kim, ayaw magsayang ng oras
Kim

MANILA, Philippines — Impressed ang netizens sa attitude ni Kim Chiu.

All the way ang pande-dedma niya sa mga basher, doubter, etc.

Mas inaabala niya ang sarili para mas maging healthy at confident.

Pinakita nga niya sa isang reel video na nagpi-pilates.

“Stretching my way through the weekend!!! strong mind, strong body! sabeh?!,” sabi niya sa caption.

Naunang nabanggit ni Kim na alam niya ang boundary ng mga dapat i-share at hindi.

Aniya sa interview ng Preview magazine : “I have my freedom on what to share and what not to share. Just go to my Instagram, you’ll know what’s happening. Anong show ko, anong ginagawa ko, ano [ang] mga hobbies ko lately,” aniya sa interview.

 Dagdag niyang paliwanag : “Isa rin ’yun sa mga tools and power mo din na ito lang ‘yung ipapakita ko. Ito lang ‘yung ishe-share ko. And then you don’t know what’s happening after that.”

Pero aniya hindi niya pinapansin ang mga sasabihin ng iba, gayundin ang mga naysayer at mga firestarter.

“I’m not a fan of answering someone online. It will just light the fire. Parang fini-feed mo ‘yung snake for you to bite. Mas maganda na huwag mo siya pansinin. Just go on with your truth.

“Nakaka-waste of time na dapat i-enjoy mo ‘yung what’s happening to you, kaysa ‘yung idi-deal mo ‘yung mga false stories, mga bashers, mga doubters.

“Hindi mo tuloy ma-enjoy ‘yung magandang life in front of you if you keep on looking back.”

At anumang mangyari, parating grateful si Kim.

“The most important thing is to be grateful.

“You’re not always on top. At a certain point, mukhang wala ka rin dyan. Be grateful all the time and just enjoy what you have right now. Kasi hindi naman ‘yan forever,” pahayag pa niya sa preview interview.

Si Kim dapat ang mga idol ng ibang celebrity na patola. Tulad nung isang actress na panay ang patol.

Mas tutok si Kim sa kanyang sarili at hindi sa sasabihin ng ibang tao.

Jennylyn at Dennis, may solusyon ‘pag magkaaway

Iba ang glow ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ngayon, na nagdiriwang ng 15 years sa skincare at wellness industry. Tampok sa kanyang speech ang timeless legacy ng kanyang brand na ine-endorse ng top celebrities at influencers.

 Sa nasabing selebrasyon, ipinakilala nga ni Ms. Rei ang bagong endorser ng kanyang kumpanya na si Jennylyn Mercado. Kabilang na nga ngayon ang actress sa line-up ng A-list celebrity endorsers ng brand.

At kahit kabago-bago pa lang, nawindang na si Jennylyn sa mga sosyal na regalo sa kanya ng Beautederm CEO and president.

Binigyan lang naman pala ang actress ni Miss Rei ng diamond tennis bracelet at Hermes bag.

Kilalang collector ng Hermes bag ang skincare magnate na parang may sariling department store sa Pampanga.

Kaya naman hindi na kailangang bumili ng Hermes bag ng actress na hindi pa ulit officially Kapuso at hindi rin Kapamilya.

Anyway, Ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) ang pro­ducts na ie-endorse ng misis ni Dennis Trillo.

At nagpasalamat ang skincare executive sa Ultimate Star. Sabi ni Ms. Rei, “I follow Jennylyn Mercado on Instagram. Some of her dear friends also told me before that she’s a nice person. Her star power and huge social media following will hopefully connect us to more consumers. Jennylyn embodies grace and beauty.”

Pagpapatuloy ng batang CEO, “I welcome Jennylyn to Beautéderm family. I hope this partnership will inspire Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin.”

 Sagot naman ng Kapuso actress sa ginanap na media launching, “She’s really good at what she does — business. People look up to her. People follow her. You know why? Because she’s authentic and sincere. I am very grateful for her trust and for the trust of her company. I believe in the products.” 

 Sinimulan ni Ms. Tan ang kanyang negosyo noong 2009 sa halagang P3,500. Dahil sa kanyang dedikasyon at marketing power, naging isang malaking beauty brand ang Beautéderm, na may mga store sa malls.

Nagpramis si Ms. Rei na may dalawa pa siyang malalaking ambassador na ipakikilala this coming month.

Samantala, aminado si Jennylyn na hindi maiwasan sa tulad nilang mag-asawa na magkaproblema o nagkakainitan ng ulo. At nag-aaway rin daw sila.

At ang ginagawa nilang solusyon : “‘Pag medyo mainit na ‘yung ulo, hihiwalay muna kami ng kwarto. Magkukulong ako rito, du’n siya sa kabila. ‘Yung ganu’n. ‘Yung alam namin kung paano siya iha-handle,” pahayag pa ng aktres.  

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with