^

Pang Movies

Stell, muntik maging cook

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kung hindi raw naging singer si Stell Ajero ng SB19, malamang daw ay cook siya sa barko.

Paliwanag nito, na-inspire raw siya noon sa Korean drama na Baker King: “Na-inspire ako, parang gusto kong mag-bake. Hanggang sa nag-decide ako na try ko mag-HRS.”

Ngayon ay ‘di na niya kailangang magpawis sa kusina dahil isa na siya sa hinahangaan na singers ng kasalukuyang henerasyon.

Abala ngayon ang Room singer sa magiging concert nila ni Julie Anne San Jose na JulieXStell: Ang Ating Tinig, on July 27 at 28 sa New Frontier Theater.

Nabuo ang tandem nila dahil sa kanilang pagiging coach sa The Voice Philippines last year.

Ruru, na-senti

Naging sentimental si Ruru Madrid sa social media dahil sa malapit na ang pagtatapos ng Black Rider sa GMA Prime.

Post ni Ruru via Instagram: “Isang taon na naman ang lumipas… Sadyang napakabilis ng panahon. Parang kailan lang sinisimulan pa lang natin gawin ang programang ito. Tapos ngayon, ito na, ilang araw na lang ang natitira para gawin natin ang isa sa pinakaminahal nating proyekto. Kaya muli, maraming salamat sa inyo sa pagmamahal, suporta, at talento na inyong ibinigay para dito sa Black Rider. Mahal ko kayo! Ang inyong suporta ang dahilan kung bakit po kami tumagal ng ganito.“

Nag-comment sa post niya sina Ms. Rio Locsin, Janus del Prado, Raymart Santiago, Pipay, Jayson Gainza, Jestoni Alarcon at maging si Dingdong Dantes.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with