^

Pang Movies

Pops at Martin, nahirapang iwan ang apo!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Pops at Martin, nahirapang iwan ang apo!

Mini-me ni Robin Nievera ang kanyang first baby sa non-showbiz US-based partner na si Mian Acoba na si Finn (Phineas) Nievera, ang unang apo ng estranged couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Hindi maikakaila ang pagkalibang nina Pops at Martin sa kanilang first grandchild when the former couple visited the US recently for a series of concerts kung saan special guest ng dating mag-asawa ang kanilang panganay na si Robin kaya kasa-kasama rin nila ang apo at ina nitong si Mian.

Kaya nahirapan din umano silang iwan ang kanilang unang apo nang bumalik na sila ng bansa.

Kahit matagal nang hiwalay ang dating mag-asawa, pamilya pa rin ang kanilang turingan whenever they are with their children na sina Robin at Ram and also with Santino, anak ni Martin sa ex-partner nitong si Katrina Ojeda.

Blended at modern family mang maituturing ang pamilya nila, tanggap na rin ito ng mga taong malalapit sa dalawa gayundin ang longtime partner ni Martin na si Anj del Rosario.  Ang ironic dito, very close ngayon sina Pops at Katrina considering na ang huli ang naging sanhi ng paghihiwalay noon ng (dating) mag-asawa.

Samantala, tiyak na matutuwa ang loyal fans nila dahil muling magsasama ang dalawa sa isang Valentine concert next year na gaganapin sa isang major venue in Metro Manila.

Eva, may inaming throwback tungkol kay Paquito!

In our recent interview sa veteran actress na si Eva Darren para sa aming online show, ang TicTALK with Aster Amoyo ay inamin nito na ang kanyang US-based eldest son na si Dr. Fernando de la Pena ay anak niya sa yumaong actor na si Paquito Diaz, ama ng magkakapatid na Cheska, Joko at Johanna Diaz.

At that time ay pareho pang binata’t dalaga pa sina Paquito at Eva. Ayon sa aktres, niyakag umano siya noon ni Paquito na magpakasal pero ito’y kanyang tinanggihan dahil kilala ang actor sa pagiging ‘chickboy’ at pagiging irresponsible hanggang sa nag-asawa ito sa ina ng magkakapatid na Cheska, Joko at Johanna na si Nena Gutierrez, dating flight stewardess at kapatid ng actor na si Bob Soler.

Si Eva ay may apat na anak sa tatlong magkakaibang lalake.

Twelve na ang apo ni Eva at isang apo sa tuhod sa kanyang panganay na si Fernando.

Mag-isang iginapang ni Eva ang kanyang apat na anak nang wala umanong suporta mula sa mga ama ng mga bata.

Hindi naman ikinakaila ng veteran actress na sobra umano siyang napahiya at naapektuhan sa nangyaring insidente sa kanya sa 72nd FAMAS Awards. Although nag-apologize na sa kanya ang FAMAS, hinding-hindi umano niya makakalimutan ang insidenteng `yun. Aminado ang aktres na iniyakan niya ito but life goes on, wika nga.

At 78, hinahanap-hanap umano niya ang pag-arte kahit puwede na siyang mag-retire anytime.

Noong Linggo ay kasama siya sa Icon awardee ng 7th Eddys o 7th Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) na ginanap sa Ceremonial Hall, Marriott Grand Ballroom.

Nova, wala sa bokabularyo ang pagreretiro

Sa isa pa naming panayam sa veteran actress-comedienne na si Nova Villa, klinaro nito na never umano niyang naging nobyo ang namayapang movie king na si Fernando Poe, Jr. at lalong hindi umano totoong nagkaroon siya ng anak dito.

Kaya siguro siya naugnay kay FPJ ay dahil naging leading-lady siya nito sa ilang pelikula at naging build-up star siya ng FPJ Productions noon.

Hindi umano siya mapagpatol sa mga intriga laluna kung hindi totoo kaya hindi umano siya nagsasalita hinggil dito.

Nova have long been married to a non-showbiz guy na si Freddie ‘Freddie’ Gallegos na naging very supportive sa career ng komedyana. At never itong naka­ramdam ng insecurity laluna sa tambalan nila noon ng comedy king na si Dolphy sa Home Along Da Riles at Home Along Da Airport maging sa dating basketball icon na si Freddie Webb sa Chicks to Chicks at Chika Chika Chicks.

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with