Nag-viral ang latest TikTok skit ng mag-besties na sina Rhian Ramos at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee o kung tawagin sila ng kanilang followers ay RhiMich.
Dahil magkasama sa iisang bahay ang RhiMich, “wifey” ang tawag ni Michelle kay Rhian.
Sa nag-viral nilang skit, nag-dialogue si Michelle na “Honey, I’m home!”
Sagot naman ni Rhian ay “I’m happy to see my husband.” Nilagyan din niya ng caption ang video na “The house is so quiet when you’re traveling, Michelle.”
The video currently has 2.2 million views, 375,000 likes, and 674 comments.
Wala namang netizens na kumukuwestiyon sa video ng RhiMich dahil alam nilang katuwaan lang ito for their fans.
Alam ng marami na karelasyon ni Rhian si Sam Verzosa at Michelle naman ay nag-out naman bilang bisexual.
Carla, positive na kay Tom
Officially divorced na si Carla Abellana at Tom Rodriguez at tanggap daw iyon ng local court dito sa Pilipinas.
Ayon sa bida ng Widows’ War: “We are divorced, recognized na po ‘yan ng korte, local court po natin dito.”
Dagdag pa ni Carla na wala pa rin silang communication ng ex-husband niya, pero hindi na raw niya bitbit ang galit sa mga nangyari sa kanila.
“We haven’t spoken since, hindi pa po kami nagkikita o nag-uusap. Life is so short. Kapag you hold on to anger, it will just ruin you. I will manifest sa iyong health.”
Kaya positive lang daw ang outlook niya kaya positive rin ang balik ng universe sa kanya.
Back in action actor Jamie Foxx, na-rehab sa stroke
Kaya nang pag-usapan ni Jamie Foxx ang kanyang naging sakit noong nakaraang taon habang nasa set ito ng pelikulang Back In Action with Cameron Diaz.
“Look, April 11 last year. Bad headache. I asked my boy for an Advil. I was gone for 20 days. I don’t remember anything. So they told me — I’m in Atlanta — so they told me my sister and my daughter took me to the first doctor. They gave me a cortisone shot. The next doctor said, ‘Something’s going on up there.’”
Pinasok ang Oscar-winning actor sa isang physical rehab facility in Chicago that specializes in stroke recovery.
Naging maingat na raw ang aktor: “Cherish life, man. Everybody wants to know what happened, but I gotta do it in my way. I’m gonna do it in a funny way. We’re gonna be onstage. We’re gonna go back to the stand-up sort of roots.”