Very creative rin talaga si Nadine Lustre. Ang simple ng kumbaga ay endorsement niya sa kanyang negosyong silicon bra. Ito ‘yung parang wala kang suot na bra dahil nakakapit sa boobs.
Well, lumabas ang kaseksihan niya.
Negosyo ata ni Nadine ang nasabing bra na ang sabi ay solusyon sa dibdib na nagbibigay-kahulugan sa kaginhawahan at pagkakaroon ng confidence kumbaga.
Anyway, ano na nga bang nangyari ‘dun sa supposedly ay series ni Nadine with Thai actor Denkhun Ngamnet and Julia Montes na Burado?
Sinasabi kasing si Nadine, ang dating Kapamilya na gagawa ulit ng series sa ABS-CBN. So, ito na kayang Burado na naudlot noong 2020?
Ito sana ang unang series noon ni Nadine na hindi kasama si James Reid, na ngayon naman ay abala sa pagrampa sa Paris Fashion Week. Parang si Heart Evangelista na rin kasi ang peg ni James ngayon.
BarDa, mala-K-drama ang ginawa
Feeling lucky girl si Barbie Forteza na hindi insecure ang boyfriend niyang si Jak Roberto lalo na sa loveteam nila ni David Licauco. As in naiintindihan nito ang tambalan nila ni David kahit na nga sunud-sunod ang kanilang mga project.
Na ang latest ay itong first movie ng BarDa, ang That Kind of Love directed by Catherine Camarillo and produced by Pocket Media Productions, Inc.
“Sabi niya, ‘o, eh, kelan natin papanoorin?’ Sabi ko, ‘July 10 sa sinehan,’” kuwento ni Barbie sa ginanap na pocket presscon ng pelikula.
Kaya naman sobrang na-appreciate niya ang attitude ng karelasyong aktor. At ito ang rason kaya confident din siya sa mga ginagawa nila ni David. Like itong That Kind of Love na sa South Korea pa nag-shooting.
Chika niya sa interview after the presscon: “Hindi ko ma-describe kung gaano kalaki ang suporta niya sa akin.
“Ang isang sure, hindi ko komportableng magagawa ang mga bagay na ginagawa ko ngayon kung hindi siya full support sa akin,” dagdag ng Kapuso actress.
Kumusta naman shooting nila sa South Korea? “Kasama namin si Divine (Aucina, one of the cast). Tatlo kami sa Korea. Sobrang saya kasi nalibot namin ‘yung mga famous K-drama locations.
“Actually, ‘yung wall na nilalakaran namin ni David du’n sa ending ng trailer, ginamit siya sa isang K-drama na project,” parang kinikilig na chika pa ni Barbie.
Ang lakas ng dating ng trailer ng pelikula. May Korean drama feel. At ang isa raw sa hindi niya makalilimutan ay ang eksena ay ‘yung sa tunnel dahil lamig na lamig siya that time. ‘Yung eksena naman nila sa crossing sa gitna ng daan ang memorable para kay David.
“Actually, lahat ng scenes, memorable dahil ‘yung mga locations na kung sa’n kami nag-shoot ay talagang ‘yung mga sikat doon, ‘yung mga very artistic, ‘di ba?
“Pero para sa akin, pinaka-memorable ‘yung nandu’n tayo sa crossing dahil romantic siya, buwis-buhay, saka maraming tao, tapos malamig. Actually, super-saya siya.
“And na-enjoy ko rin ‘yung nagpunta kami sa Itaewon dahil super-fan ako ng Itaewon Class na TV show,” mahabang pag-aalala ni David.
Sabagay, ang lakas ng kilig sa mga eksena nila sa trailer pa lang ng pelikula na showing na sa July 10. Ayon nga kay Barbie, pagbibigyan nila ang pantasya ng fans sa pelikulang ito.
Anyway, kasama rin sa movie sina Al Tantay, Arlene Muhlach, Jeff Gaitan, Ivan Caraplet at Kaila Estrada.
Michael at Cassy, magpapakilig!
Nasa 12th season na pala ang collab ng GMA Network and Regal Entertainment’s weekend anthology series Regal Studio Presents na may brand new episodes about love, family, and friendship top-billed by Kapuso stars.
Ang new season ay mag-uumpisa sa today, June 23, with Fishing for Love starring Cassy Legaspi and Michael Sager.
Gagampanan ni Michael si Tim, isang matiyagang binata sa paghahangad na makuha muli ang puso ng kanyang ex-girlfriend sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng alagang isda. Pumunta si Tim sa isang fish pet shop, determinadong bumili ng aquatic pet. Doon, nakilala niya si Polly (Cassy), ang may-ari ng shop. Nakahanap ng paraan si Tim para mapalapit kay Polly.
Ito ba ang simula ng isang espesyal na friendship, o magiging maasim ito sa huli? Abangan ang season opener sa direksyon ni Zoren Legaspi ngayong Linggo.
Pero sa totoong buhay nga ba ay may MU sina Cassy ang Michael?
Isa lang ito sa exciting stories in Regal Studio Presents every Sunday at 4:35 p.m. on GMA Network and Kapuso Stream.
Martin at Pops, happy family na ulit
Grabe ang happiness nina Martin Nievera and Pops Fernandez sa kanilang first apo, si Finn. Paulit-ulit daw niyang pinapanood ang apo na tawa nang tawa habang nilalaro ni Martin. “Is it just me? But i can watch this video over and over again and it makes me so happy. Finn’s laugh is so contagious! He is such a happy baby! Kudos to @robinnievera and @mianacoba and the acoba family. Thank you for loving and taking care of Finn. wish we all lived near each other to enjoy these moments #finn #happybaby,” aniya sa post ng apo na super adorable habang nasa stroller.
May post din si Martin sa kanyang apo na talagang ‘pag nilalaro niya ay super tawa. “Unforgettable moments with my grandson Finn! Thank you for shooting and putting this together for us @anj_dr thank you #princeofpops @robinnievera and your prince #finnatics #finn #babyfinn #lollypops @popsfernandezofficial @mianacoba.”
Ang saya at parang one happy family ulit sila dahil sa apo.