R’bonney, serendipity ang encounter kay Gloria!

R’bonney at Gloria

Ang galing naman na aksidente lamang na nagkita ang dalawang iconic queens na sina R’Bonney Gabriel at Miss Universe 1969 Gloria Diaz.

Ibinahagi ni R’Bonney sa kanyang Instagram Reel ang pagpunta niya sa isang fabric shop dahil abala siya sa kasalukuyan sa kanyang newest collection.

Pumunta raw siya roon dahil hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Nagbabakasakali siyang sa pagpunta roon ay makakakuha siya ng maraming ideya at doon niya sisimulan ang mga design niya sa kung ano ang makukuha niya roon.

Habang abala nga siya sa pag-iikot sa tindahan ng mga tela, pagkalipas ng ilang minuto ay nagkita sila ni Gloria Diaz.

Makikita sa video na nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang Miss Universe queens na makapagkuwentuhan at nagpakuha pa ng litrato na magkasama.

Humirit nga kasi ang nanay ni Isabelle Daza ng litrato nila at ipapakita raw niya sa kanyang BFF.

Bumilib nga ang netizens na sino nga bang mag-aakala na magkakasalubong ang dalawa at serendipity raw talaga.

Show comments