^

Pang Movies

Award-winning actor, natakot sa ka-partner sanang aktor!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naglatag ng kondisyon ang isang award-winning aktor na walang pinipiling role.

Nakalabas na ang aktor sa BL series pero trabaho lang ito sa kanya at secured siya sa sexuality niya!

Kahit nakakagawa na siya sa mainstream, may mga offer pa rin siyang gumawa ng BL. Pero choosy na siya sa mga eksena lalo na sa kapareha.

Kasi naman, nang may offer sa aktor na isang BL, ang makakapareha ng aktor ay isa ring magaling na aktor!

Okay naman si aktor 1. Pero may kondisyon siya. Walang halikan sa labi, huh!

May nababalitaan kasi si aktor 1 sa seksuwalidad ni aktor 2 at takot siyang baka madala ito sa eksena niyang halikan!

Para wala nang sakit ng ulo, tinanggihan na lang ni aktor 1 ang project!

Kapamilya, pasimple sa bagong channel 2!

Nagulat kami nang mapanood namin sa ALLTV ang It’s Showtime. Walang announcement tungkol sa telecast nito sa Villar Network.

Eh sa ALLTV napapanood ang old teleseryes ng ABS na sa dating Jeepney umeere. Tapos, balitang sa nasabing network din mapapanood ang bagong edition ng Goin’ Bulilit na tapos na ang audition!

Hmm, parang pasimple ang pagbawi ng Kapamilya Network sa frequency na napunta sa ALLTV, huh!

At sa tatlong channels na napapanood ang It’s Showtime, huh! Wala bang conflict sa GMA?

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with