^

Pang Movies

Kathryn, ayaw tantanan ng shippers sa bff!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kathryn, ayaw tantanan ng shippers sa bff!
Kathryn Bernardo
Geremy Pintolo

May mga nagsi-ship kina Kathryn Bernardo at Dominic Roque at dahil pareho nang single, may chance na raw ito kay Kathryn. Ang ilang times na spotted ang dalawa ang patunay raw na may interes ito kay Kathryn.

May mga nagpaalalang best friends lang sila at mas nauna pa silang naging magkaibigan bago nagkaroon ng relasyon sina Kathryn at Daniel Padilla at naging sina Dominic at Bea Alonzo.

Siguradong pinagtatawanan lang nila ang pagsi-ship sa kanila at hindi ito magiging rason para hindi na sila magsama. Siguradong masusundan ang sabay nilang pagbisita sa isang beauty clinic at mabuti talaga na hindi nila nakakasasabay sa pagpunta doon  sina Daniel at Bea.

Speaking of Dominic, tila naiba ang narrative sa breakup nila ni Bea dahil siya na ang sinisisi sa kanilang paghihiwalay. Mabarkada raw ito at ‘yun ang binigyan ng priority. May sumisi naman sa kanya dahil hindi pa raw pala siya ready, nag-propose pa.

Ang daming tsika, tungkol pa lang naman sa kung sino ang nakipag-break ang in-open ni Bea at baka nga, hindi na natin malaman kung ano talaga ang rason ng kanilang paghihiwalay.

Barbie, ­nabawasan ang mga kaaway

In-open ni Barbie Forteza ang comment box ng kanyang Instagram nang i-post ang trailer ng movie nila ni David Licauco na That Kind of Love. In fairness, wala pa kaming nababasang nega comments from the netizens at puro positive comments ang mababasa.

Mga comment na “K drama vibes, Trailer pa lang, kinilig na ako, Waiting for this,I’m so excited, Hala ang ganda,@davidlicauco ang cute mo at ang lakas maka  Korean” at “I’m seated” ang mababasa.

May nag-suggest pa sa kapwa fans na gawin nilang box-office hit ang movie para masundan pa ng ibang pelikula nina Barbie at David. Nakakapanibago ang mga comment na walang nang-aaway kay Barbie dahil sa boyfriend na si Jak Roberto.

Anyway, sa July 10, 2024 na ang showing ng movie na produced ng Pocket Media Films at Happy Infinite Productions Inc., distributed by Regal Entertainment. This is directed by Catherine Camarillo and written by hear daughter Ellis Catrina.

After ng showing ng TKOL, ang streaming ng Pulang Araw sa Netflix sa July 26, 2024 at premiere ng series sa GMA 7 sa July 29, 2024 naman ang aabangan ng BarDa fans.

Arnold, namimintana na

Sa latest post ni Arnold Clavio, nakatayo siya habang namimintana. Hindi lang malinaw kung nasa St. Luke’s Medical Center pa rin ang newscaster  o nakauwi na sa bahay nila. Hindi rin malinaw kung new photo o old photo niya ang kanyang pinost, ang mahalaga, he’s getting better at ito ang mababasa sa caption ng kanyang post.

“Dear God, I believe in your power to heal and I trust in Your divine intervention. Lord Jesus, thank you for being the ultimate healer and bringing wholeness to my body. I am grateful for the strength and comfort You provide during times of healing. May Your promises of comfort and joy fill my heart as I seek healing in Your presence.

“In the mighty name of Jesus. Amen. #miracle #grateful #healing.”

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with