^

Pang Movies

Ruru, inintriga ang dibdib!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ruru, inintriga ang dibdib!
Ruru Madrid
STAR/File

Ang bongga naman ng aktor na si Ruru Madrid na binalandra ang abs.

Ginamit nga ng karelasyon ni Bianca Umali ang kanyang post upang ipakalat ang importanteng weather announcement ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration).

Ibinalandra niya ang kanyang toned body na may caption na “ayon sa PAGASA - transitioning na po tayo sa tag-ulan
“-Elias,” na karakter niya sa pinagbibidahang seryeng Black Rider.

Ito ay bilang paalala sa papalapit na simula ng tag-ulan at ginamit pa niya ang kanyang bukas na polo sa post na lalong nagpainit sa panahon.

Tama naman kasi si Ruru dahil kamakailan lamang ay dineklara ng PAGASA na malapit na ang pagpapalit ng panahon papunta sa tag-ulan.

Nagsisimula na nga ang pagbagsak ng ulan sa iba’t ibang lugar. Ayon nga sa PAGASA ay nasa 65 hanggang 75 percent chance ng La Niña ay magsisimula na ngayong June.

Pinusuan naman ang post nito ng mga tagahanga niya at lutang daw ang pagiging hot nito.

Pero hindi naman mawawala ang basher na nagkomento kung bakit daw ganon ang korte ng chest ng aktor.

Inintriga pa ng basher na ano raw kaya ang pills na ginagamit ng aktor at binawi rin at sinabing biro lang niya iyon.

Ang isa namang netizen ay napatanong din kung bakit may kakaiba sa dibdib nito na sigurado namang hindi papansinin ni Ruru.

Samantala, makikita rin sa mga komento ang suporta nila sa tambalan nina Ruru at sexy actress na si Angeli Khang na pasok na rin sa seryeng Black Rider.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with