^

Pang Movies

Jennylyn, naalala sa pagpanaw ng nanay ni Patrick

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jennylyn, naalala sa pagpanaw ng nanay ni Patrick

Nagluluksa ang magkakapatid na Chesca, Pichon at Patrick Garcia sa pagpanaw ng kanilang inang si Celeste Garcia o mas kilala sa showbiz as Tita Bing.

Ang sanhi raw ng pagpanaw ni Tita Bing ay heart attack sa edad na 70.

Tinawag na isang stage mother si Tita Bing noon dahil sa pagpigil niya sa pagpapakasal nina Patrick at Jennylyn Mercado.

Mother knows best dahil mas nahanap pa nila ang right partners sa buhay nila. At mahal na mahal ni Tita Bing ang unang apo niya na si Alex Jazz.

Mensahe ni Chesca via Instagram: “I love you mommy. One can never love their mother too much. I am grateful for all the precious days I spent with you. You were there for all the important events in my life, and you were also there just to hang out, relax, and talk about anything and everything under the sun. I will miss those moments, Mommy! You even took the time to listen to my rants and offer me advice. You were never selfish with your time, always accompanying me to the bathroom so our conversations wouldn’t be interrupted. I will always long for you.”

Sparkle Boys, mas pinainit ang summer!

Mainit na nga pero lalo pang pinainit ng sexy men ng Sparkle ang summer sa pamamagitan ng kanilang short video na Boys Of Summer.

Pinakanatuwa ay ang mga beki dahil napagsama ng Sparkle ang mga pinapantasya ngayong mga lalake on television. This time ay mga pawisan sila sa paglaro ng basketball.

May kanya-kanya nga raw na paraan ang Boys of Summer para mapanatili ang kanilang six-pack abs at mga firm muscled arms and legs.

Matatawag na Gym Rats or mga mahilig magbabad sa gym para mag-workout sina Kelvin Miranda, Jeff Moses, Vince Maristela, Yasser Marta, Royce Cabrera at Bruce Roeland.

Samantalang sa paglaro ng iba’t ibang sports ang hilig gawin nina Prince Carlos, Raheel Bhyria, Matthew Uy, Radson Flores, Mclaude Guadaña, at Dustin Uy.

Mapapanood naman sa kanya-kanyang mga te­leserye ang boys tulad sa Black Rider, Abot-Kamay Na Pangarap, Makiling, Asawa Ng Asawa Ko at sa upcoming na Sang’gre.

Taylor Swift, inilantad sa kanta ang pambu-bully nina Kim Kardashian at Kanye West!

Apektado si Kim Kardashian sa ni-release ni Taylor Swift na song titled thanK you alMee dahil tungkol ito sa ginawang pambu-bully ng reality TV star kay Taylor kunsaan kasabwat niya ang ex-husband ni Kanye West.

Higit na 120,000 and counting social media followers ang mabilis na nawala kay Kim noong mag-drop ang single na kasama sa The Tortured Poets Department album ni Taylor. Kaya nagpa-panic ito sa backlash ng song sa kanya.

Napatunayan ni Taylor na si Kim ang nag-edit ng isang phone call ni Kanye sa kanya. Ginamit din nito ang image niya sa isang malaswang music video ni Kanye.

vuukle comment

PATRICK GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with