^

Pang Movies

Francine at Seth, may kasunduan sa relasyon!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Francine at Seth, may kasunduan sa relasyon!

Itinanggi nina Seth Fedelin at Francine Diaz na sila na pero inamin naman nilang hindi malabong maging sila in the future.

Sa mediacon ng first big screen project nila na My Future You na ginanap kahapon sa Regal Entertainment office in Valencia ay natanong ang FranSeth kung ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon.

Ayon sa dalawa ay talagang magkaibigan lang talaga sila sa ngayon kaya ang sumunod na tanong sa kanila ay kung nakikita ba nila sa future na magiging sila.

Si Seth ang unang sumagot. Aniya, “maging ano na tayo, maging lalaki tayo. Hindi po malabo na umabot po sa punto na ganu’n pero sa ngayon po, ang sasabihin ko lang po, ayoko rin pong magsalita nang patapos at ayoko rin naman masyadong magmukhang nagpapakilig po rito. Sa totoo lang po tayo.

“Nandoon po ako sa punto na… ayokong… lalo na po, kauna-unahang movie namin ‘to, pina-priority ko po muna ‘yung pelikula. Pero malaking tulong din po kung ano ‘yung samahan namin ni Francine dahil makakatulong po ‘yun sa bawat eksenang gagawin namin.”

Ayon pa kay Seth, hindi niya pine-pressure ang sarili niya na maging karelasyon si Francine.

“Dahil unang-una, lagi ko pong sinasabi, nirerespeto ko po ‘yung magulang ni Francine. Nirerespeto ko po si Francine. Hindi ko na po i-e-elaborate kung anuman po ‘yung mga napag-uusapan namin ni Francine, pero sa tingin ko po, alam n’yo naman po na may mga times kami ni Francine na nag-uusap na kaming dalawa lang, so sa amin na lang po ‘yun at dadating ang panahon, ‘yung tanong po na ‘yan eh masasagot namin nang diretso.

“Sa ngayon po talaga, hindi po namin kayang sagutin nang diretso,” pahayag ni Seth.

Tulad ng aktor ay halos ganito rin ang sagot ni Francine.

“Hindi naman po siguro nakakabawas ng pagkababae kung sasabihin kong hindi po malabo na mangyari ‘yun lalo na po’t may mga gagawin din po kaming projects after this movie. Parati kaming magkakasama at sa pagkakakilala ko kay Seth, sa ugali niya, siya mismo bilang tao, hindi mahirap na magustuhan.

“Pero ‘yun nga po, gaya ng sinabi niya, hindi namin prina-prio­ritize na maging kami agad. Kasi may tamang oras, may tamang panahon para diyan and ‘yun nga rin po, nirerespeto namin hindi lang ang pamilya namin, pamilya ng isa’t isa, kundi pati na rin po ‘yung mga taong pinagkakatiwala sa amin ‘yung mga projects na binibigay,” she said.

Dagdag pa ng aktres, pinagkasunduan din daw nila ni Seth na ganito muna ang kanilang maging relasyon.

Hirit naman ni Seth, “pero may pag-uusap po. Sabi ko nga, kakampi ko si Francine at hindi siya ganu’n kababaw at hindi siya ganu’n kadaling sirain – ‘yung meron kami ni Francine. Malalim ‘yung samahan na meron kami at pinagtibay kami ng panahon sa loob ng five years.”

Samantala, excited na ang FranSeth sa first movie nila on the big screen lalo pa nga’t napakaganda raw ng script nito na isinulat ni Cris Aquino at siya ring magdidirehe ng pelikula.

Maging ang producer na si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment ay excited na rin dahil ngayon pa lang daw ay inaabangan ng cinema bookers and theater owners ang tandem ng FranSeth sa big screen.

Ang kwento ng My Future You ay tungkol sa dalawang tao na nagkakilala thru online pero magkaiba sila ng panahon at 15 years ang pagitan ng kanilang timeline. Magsisimula na ang shooting nito sa May 7 at ipalalabas sa mga sinehan this year.

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with