^

Pang Movies

Andi, nagsalita sa breakup nila ng partner!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andi, nagsalita sa breakup nila ng partner!
Andi Eigenmann
STAR/File

Sinagot ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang intriga sa kanilang ng fiancé na si Philmar Alipayo sa kanyang social media.

Nagsalita na siya tungkol sa kumalat na intrigang hiwalay na sila ng tatay nina Koa at Lilo.

Ipinost ng anak ni Jaclyn Jose ang mga litrato nila ng half-brother na si Gabby Eigenmann sa Japan kung saan sila nagbakasyon.

Ayon sa kanya ay nagbakasyon siya kasama ang mga ito pero nang umuwi siya ay nalaman niya sa internet na hiwalay na sila ng fiancé na may kasama pang laughing emoji.

Siguradong ikinaloka niya ang mga nabasa pagkatapos niyang mag-enjoy sa pamamasyal sa Japan.

Binigyan kasi ng ibang kahulugan ng mga marites kung bakit hindi kasama si Philmar nang pumunta ang mag-iina sa Japan kasama rin ang anak nina Andi at Jake Ejercito na si Ellie.

Mukhang hindi raw nagustuhan ng ‘internet’ ang paraan niya ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng nanay na beteranang aktres.

Ayon nga raw sa mga basher niya ay pinepeke lamang niya ang lungkot sa nangyari sa ina dahil hindi raw siya masyadong nagpo-post tungkol dito. Iniisip daw ng mga ito ay malungkot siya hindi dahil sa biglaang pagkamatay ni Jaclyn kundi siya ay isang divorcee kahit hindi pa raw siya kinakasal.

Marami pang haka-haka ang netizens at kung anu-anong akusasyon pa ang ibinintang sa kanya. Pero mukhang hindi naman apektado si Andi at tinawanan lang ito.

Huli silang namataang magkasama ni Philmar nang sumailalim ang surfer sa medical procedure para sa congenital heart defect na mukhang tagumpay naman dahil sinabi ni Andi na “good to go again” na ito matapos ang ilang oras.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with