^

Pang Movies

Awra, ginagamit si Catriona!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Awra, ginagamit si Catriona!
Awra

Mukhang hindi naman yata tamang sabihin na dahil may isa siyang damit na kagaya ng cut ng damit ni Catriona Gray at nag-pose siya ng kapareho  ay look-alike na ni Catriona si Awra Briguela.

Hindi naman masamang gumawa ng gimmick para mapansin. Hindi ba may panahong pansin na pansin naman siya matapos niyang umbagin ang isang lalaking ayaw maghubad sa harap niya sa isang bar sa Makati.

Pinasikat siya nang husto ng mga pulis, lalo na nang bastusin niya ang mga iyon habang siya ay iniimbestigahan sa presinto.

Ok na iyong mga kaguluhang  ganun pero ngayon magpapakulo na naman ang mga bading na kamukha niya si Catriona?

Sabi nga namin ok lang gumawa ng gimmick pero huwag naman sobra.

Ricci, wala nang planong pakawalan ang GF na konsehala

Matapang na hinarap nina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista ang mga tao at sinabi nilang para sa kanilang pag-ibig “age doesn’t matter.”

Pero sa totoo lang, malapit pa nga ang edad nina Ricci at Leren. May kilala nga kaming naging mag-syota noong araw na 21 lang ang lalaki samantalang ang babae ay 43. Kamakailan lang may kakilala kami na 28 ang lalaki 68 ang babae at ok naman sila.

Iyon pa kayang sina Ricci at Leren na kaunti lang naman ang agwat ng edad.

Kung iisipin mo rin naman imposible bang ma-in love si Ricci kay Leren ganoong iyon naman ay isang disenteng babae maganda, beauty queen pa at isang konsehal ng lungsod.

Sa totoo lang mahirap nang makakita ng ganyan sa ngayon.

Big Bird… ni Enrique, may padding?!

Mayroon na silang lumabas na resulta kuno pero natural may dagdag na ang figures na. Kumita raw ang pelikula ni Enrique Gil na I Am Not Big Bird ng P2.9 milyon sa unang araw ng showing nito noong Feb. 14.

Hindi kami naniniwala dahil nadaanan namin ang mga sinehan naglalabas noon wala namang tao.

Sa ngayon mahirap ka nang makabola kasi sa labas mismo ng sinehan, may mga computer monitors nang nagpapakita kung ilang upuan ang taken.

Kaya kahit na hindi ka pumasok sa loob alam mo kung kumikita o hindi.

Eric, susubukang tapatan si Kuya Germs

Susubukan daw gayahin ni Eric Quizon ang sistema ng pag-build up ni Kuya Germs (German Moreno) ng stars.

Alam ba nila kung gaano kahirap iyon?

Si Kuya Germs sinusubaybayan niya ang buhay ng lahat ng kanyang stars. Hindi niya basta ipinagkakatiwala iyon kahit may managers na.

At si Kuya Germs ang bumibili ng damit nila dahil wala pa naman ‘yung mga kita.

Hindi lang iyon sa 240 members noon ng That’s Entertainment dahil ayaw niyang mag-turn down ng sino man na sa tingin niya ay may talent. Ang sinusuwelduhan doon ng GMA ay 71 talents lamang.

Alam namin ang hirap na dinaanan ni Kuya Germs mapasikat lamang niya ang kanyang discoveries. Kaya tingnan naman ninyo mahigit na ikatlong bahagi ng showbiz industry sa ngayon, galing kay Kuya Germs.

Kaya mahirap siyang gayahin.

Lahat ng iyon ay ginawa niya dahil sa paniniwalang may mga baguhan doon ang sisikat pagdating ng araw kung matutulungan lang. Kaya naman siya ang tinawag na Master Showman.

Sino ba ang makakapantay sa sistema ng pagbi-build up ni Kuya Germs ng mga baguhan para maging artista?

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with